Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Laruan

May 22nd, 2010

LAHAT ng mga kaklase ni Paulito ay napaawang ang mga labi habang nakatingin sa babasaging plorera. Lumulutang sa ere ang plorera na may nakalagay pang mga bulaklak.

Pumasok ang kanilang titser. Pati ito ay napatulala rin. Napaatras bigla nang umikut-ikot ang plorera at parang eroplanong lumipad patungo sa pinakapilyong mag-aaral ng klaseng iyon.

Mabuti at nakailag ang batang lalaki. Basag ang plorera nang tumama sa dingding.

Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga kaklase ni Paulito. Ang iba ay nanatiling nakaupo ngunit bakas sa mga mukha ang takot. Meron namang tumayo na at nagsimulang ngumuyngoy sa takot

Ang batang muntik nang tamaan ng plorera ay patakbong yumakap sa guro. Nangangatal din ito sa takot.

ANG nangyari ay hindi na lingid kina kay Alma, ina ni Paulito. Agad kasi itong sinabihan ng kanilang guro. Personal na pumunta sa bahay nila ang guro at masinsinang kinausap ang babae.

Continue reading..

Tags: | 15 Comments »