Anim Na Babala Sa Kwentong Multo
- Huwag mong basahin kung natatakot ka.
- Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
- Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
- Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
- Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
- Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!
Aklatan
August 29th, 2009
MATALINO ka ba? Mahilig mag-aral o dili kaya ay laging nasa silid aklatan upang mag research? Paniguradong maeengganyo kang siyasatin ang lihim ng kubling silid na ito sa aklatan ng isang paaralan sa gawi ng Intramuros.
Hindi naman umano lahat ng nagtutungo sa silid aklatan ay nag-aaral. May mga naglili-gawan, mga natutulog, may ibat ibang transaksyon at may isang halimaw na nagtatago sa isang kubling silid at nag-aabang ng inosenteng masisila.
Noong una, hindi ako agad naniwala, dahil baka may layunin lang itong si Larry na nag kuwento sa akin ng pangyayaring ito na siraan ang kanyang paaralan.Ngunit napag-alaman kong hindi naman pala siya nag-aaral sa paaralang iyon kundi ang syota niyang si Rochelle.
Hindi naman mahigpit sa paaralang iyon. Sa katunayan, malimit mag punta roon si Larry upang maki-research. Ayon sa kanya, kulang ang pasilidad ng kanilang paaralan bukod pa sa marami talagang magagandang babae sa paaralang iyon.
Mas marami ang populasyon ng babae kaysa lalaki sa paaralang ito. Pati ang mga kurso ay tailor made sa babae at kaunti lang ang masasabing para sa lalaki. Sa pagkaka-describe ni Larry sa hitsura ng aklatan, napakaluwang nito at iba’t ibang aklat at mga babasahin ang matatagpuan.
Iba rin umano ang lokasyon ng silid para sa mga computer bagamat nasa loob din ito ng aklatan. May takdang oras ang pag re-research at ito ay hanggang alas siyete lamang ng gabi.
Nang araw na iyon, inabot silang dalawa ni Rochelle ng ganoong oras sa loob ng aklatan. Halos magkatulad ang uniporme ng pinapasukan niyang paaralan at ang uniporme ng lalaki sa paaralang iyon kaya hindi siya gaanong napapansin ng mga guwardiya.
May nakatakdang pagsusulit noon si Larry kinabukasan kaya subsob ulo siya sa pagri-research. Nang namimili siya ng mga aklat ay napansin niya ang isang tila bumukas na nakakubling maliit na lagusan sa gawing kaliwa ng aklatan.
Ipinakita niya iyon kay Rochelle at napagpasiyahan nilang buksan ang pinto at pumasok doon. Inakyat nila ang isang makipot na hagdan pataas, “Saan kaya ito papunta?” bulong ni Rochelle kay Larry. “Ewan natin, teka ikaw ang taga-rito ikaw ang dapat nakakaalam.”
Nang malapit na sila sa isang magkaharap na silid, natiyak nilang nasa ika-apat na palapag sila. Nakarinig sila ng tunog ng kadena at ingay na tila ba may bumangon sa pagkakahiga. Nagulat silang dalawa at upang hindi mapatili ang nobya ay tinakpan ni Larry ang bibig nito. Ipinasya nilang dahan-dahang bumaba.
Habang bumababa si Rochelle pabalik sa aklatan ay nasa likuran niya si Larry. Nakita ni Larry na tila may lumalabas sa nakapinid kanina ng pinto.Sumasayad ang kadena sa sahig at lumilikha ito ng ingay.
Agad silang bumaba at agad ipininid ang pintuan ng nasabing kubling silid. Madilim na sa aklatan. Akala marahil ng librarian o ng guwardiya ay wala ng tao kaya isinara na ito. Sino nga naman ang mag-iisip na may tao palang naiwan sa loob ng aklatan.
Habang pinipilit ni Larry na buksan ang pintuan upang sila ay makalabas, ang ipininid nilang kubling silid ay unti-unting bumubukas. Naririnig na nila ang tunog ng kadena na nalalaglag sa bawat baytang ng makipot na hagdan.
Pilit binubuksan ni Larry ang pintuan gamit ang isang maliit na alambre buhat sa kanyang spiral notebook. Nagtagumpay siya at nakatakbo sila ng palabas ng aklatan habang kasunod nila ang hindi maaninag at hindi nila mawari kung anong klaseng nilikha na may kadenang hinihila.
Madilim ang mga corridor at tila walang guwardiyang nagroronda ng mga oras na iyon. Napadaan ang dalawa sa may terasa kung saan mamamataan ang maliit na kalsada sa labas. Kakatwa namang walang sinumang tao o sasakyang nagdaraan ng mga oras na iyon.
Sa salaysay na iyon ni Larry, isang bagong kuwento ang narinig ko.Hindi ko akalaing may ganoong pangyayari o may ganoong nilikha sa nasabing paaralan. Napakataas kasi ng tingin ko sa pamantasang iyon.
Naalala ko ang kuwento ng isa sa mga dati kong nobya na nag-aral din sa pamantasang iyon. Ang kuwento niya ay maihahalintulad sa naranasang pangyayari ni Larry. Ngunit hindi niya tinumbok na halimaw, o maaaring hindi lang niya nakita talaga kung ano ang nilalang na nakatago sa kubling silid. Ang tiniyak lang niya sa akin, may itinatago sa nasabing kubling silid at nakakadena ito.
Baka aso lang ang nakita niya, ang wika ko noon at biniro ko pa siyang masyadong naglalaro ang kanyang imahinasyon at guni-guni. Ngunit sa kuwento ni Larry, muli ay napapaisip ako.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng party sa bahay ng isa naming kapitbahay na may pinag-aaral din sa nasabing paaralan. Nagkukuwentuhan ang mga magkakamag-aral sa veranda ng bahay.
Tungkol pa rin doon sa pangyayaring iyon ang kanilang usapan. Ayon sa isang dalagita, hindi na nakauwi ang isa nilang kamag-aral na ginabi sa aklatan. Maaari kayang tuwing gabi ay naghahanap ng masisila ang halimaw na iyon? At natiyempuhan ang dalagitang naiwan?
Pagkatapos ng insidente, tila naglubay ang dalawa sa pagkukuwento tungkol sa bagay na iyon lalo sa mga kamag aral nila sa nasabing paaralan. Nanahimik na rin si Larry ngunit ayon sa kanya, sa tuwing maaalala niya ang pangyayaring iyon, hindi niya mapigilang mangilabot
Hindi kaya ang nilalang na nagtatago sa kubling silid ay kaanak ng may-ari na doon itinago dahil may diprensiya sa pag-iisip o may kakaibang sakit na sa halip na ipasok sa pagamutan ay doon na lamang itinago upang iligtas ang kanilang pangalan sa kahihiyan?
Ito ay ilan lamang sa naglalaro sa aking isipan upang bigyan linaw at interpretasyon ang kakaiba kong naranasan.
Kayo? Ano sa palagay n’yo?
Ang Wakas…


69 Comments to “Aklatan”
February 21st, 2010 at 5:31 am
melissa Says:
bitin….hayyyy…
February 21st, 2010 at 5:33 am
melissa Says:
maganda sana kung me part 2 at sinabi kung ano yung nasa aklatan na yun
April 15th, 2010 at 11:58 am
bhelai Says:
chrew.. I want more stories.. share it with us..
April 30th, 2010 at 4:48 am
hikari34 Says:
nawawala ung ending!!!char..bitin weh!!
August 7th, 2010 at 9:43 pm
cristine dee Says:
san kyang skul yon?
August 13th, 2010 at 5:21 am
M T Says:
hi
August 13th, 2010 at 5:24 am
M T Says:
Hi napadaan po ako sa site ninyo.May gusto po sana akong ishare na story di ito likhang isip o gawagawa.Itoy nangyari sa totoong buhay.Interested po ito puwede poba saan po puwede ito ipost.
August 13th, 2010 at 5:27 am
M T Says:
hehehe maraming salamat po natag puan kona kung saan
September 16th, 2010 at 11:32 pm
thammy Says:
and then…???what happen???
so bitin…
November 6th, 2010 at 5:23 am
gary Says:
saan bang school yan!!
November 14th, 2010 at 11:47 pm
zipcode Says:
anong skul un??
November 25th, 2010 at 10:01 pm
jess Says:
san skul
December 6th, 2010 at 11:29 pm
jahnelven Says:
medyo ayos nman ang kwento, pro kulang…..heehehe
December 19th, 2010 at 12:11 am
Myla Says:
Super bitin nAman!
December 20th, 2010 at 11:19 pm
ritchie Says:
tama si melissa,bitin tlga…dpat my part 2 para malaman kong anu tlga ang ang meron s likod ng aklatan n yon…
January 3rd, 2011 at 1:35 pm
shengay Says:
curious ako kung ano ung nandun sa loob ng kuarto…creepy.
January 31st, 2011 at 2:05 am
charmaigne Says:
^_^
February 9th, 2011 at 2:49 am
heavenlysinner Says:
maganda ang story kaya lang bitin..heheh..na curious tuloy ako kung saang skul at cno ba tlga ang nakakadena..heheh
February 9th, 2011 at 3:19 am
LYN Says:
HUMF…. I LIKE THE STORY, but as what they said bitin nga lang… pero naging interesado din ako sa kabuuhan ng estorya…is it really true…?
February 15th, 2011 at 1:30 am
larra Says:
maganda puh ung story….ndi namn boring……kulang nga lang sa thrill kc bitin nga……Interesting namn ung story….:)
March 2nd, 2011 at 12:40 am
arnie Says:
yeah nka2biiiiittttiiiiiinnnnn! wats nxt! amfp!
March 6th, 2011 at 1:45 am
S-ler Says:
OO nga sang ayon ako sinabi nila..
sana maka aral ako sa skol na yun..
para ako ang mka imbestiga kung ano talaga ang meron..
yun nga lang kung ma i-share ko pa sa inyo
kasi di ko alam kung buhay pa ako makakalabas sa silid na iyun
March 6th, 2011 at 11:49 am
mars Says:
nice story
March 12th, 2011 at 11:54 pm
MarK Says:
ayos to ah…buti nlng nngaroon ng ganto,, mahilig ako magbasan g mga ganto..sana dumami pa mga ghost story..
April 3rd, 2011 at 2:38 am
RaineDear Says:
Hindi nga ko mahilig masyado mag basa depende n lng kung horror ung topic ahaha lalo tuloy ako natakot pmunta ng library haha XD
April 5th, 2011 at 11:11 pm
jhaylhord Says:
ganda bitn ngalng,,,,,,ok nrn
April 13th, 2011 at 1:15 am
Mikay Says:
Haha..bat bA bitin?sa simula lang maganda!
Tsk2..
April 16th, 2011 at 1:45 pm
tommygirl28 Says:
School namin yun!!!
April 21st, 2011 at 5:48 am
claire17 Says:
bitin……..hnd mn lng cnbi f anuh ang ending,,,f anu ung nandun….sna nga me part 2..
April 29th, 2011 at 2:10 am
VIP-SNOW_BEER Says:
shhhhhhh ang panget naman ng story…
May 7th, 2011 at 5:21 am
liezel Says:
OO nga bitin talaga wala bang part 2 niyan?? saan bang schl at anong Klaseng halimaw ba yan…??
May 11th, 2011 at 3:54 am
mikas Says:
bitin! di ko man lng nlaman kng halimaw b tlga un..gs2 ko 2loy mlaman san na school yan!pro ok n rn
May 13th, 2011 at 10:07 pm
alma_zing Says:
The story was great!
Hinayaan nyong mag-isip ang mga mambabasa ayon sa kanilang kuro-kuro o pala-palagay patungkol sa kung anu nga ba talaga ang meron sa sikretong silid sa library. Keep it up. Good job!
May 17th, 2011 at 6:44 am
forgotten fear Says:
huh? Prng ung hal¡maw s shake,ratt|e, and rol|…
Jeez! Sooo scary (><)
May 17th, 2011 at 10:01 pm
MIDNIGHT SOLITARE Says:
ANONG SKUL YAN KASI GRADUATE DIN AKO SA ISA SA PAMANTASAN DYAN SA INTRAMUROS
May 23rd, 2011 at 1:37 am
royalty_ain Says:
,,hmmff, xo bitin nmAn,
xana may part 2,
try to investgate qng halimaw va tlaga un,,hmmf,,pra exciting,,(^?^),,
May 26th, 2011 at 2:40 am
Sarah the Atheist Says:
hmmft…hindi maituturing n horror story yan…it is more like a suspense story n my halimaw o kung anuman yun…..
May 27th, 2011 at 1:47 am
sunnydays_at_mondays Says:
nabitin aq…sana may part 2
May 31st, 2011 at 9:48 am
liza Says:
kyut kahit walang sense :p
June 6th, 2011 at 12:52 am
unknown_man Says:
S-ler patay ka n dun noh.. pag paxok p lng dedz k na hhaha peace c(; bitnnnnnnnnnnn pelo nman oi writer gawa ka nga ng PART 2 anu b ung nkalagay sa likod ng librarian n yan halimaw o baliw na gaya mu..?? anu salita ka nga writer pra mlaman kung me part 2 pa o wala na kung wala na wag k n gumawa ng iba puro bitin lng
June 7th, 2011 at 3:49 am
lemari Says:
kilabot na kilabot na ako tapos biglang ending na super bitin hahahah
June 15th, 2011 at 1:31 am
Maerell ^_^ Says:
guyz.. anung meaning ng “MASISILA”??
^_^
July 6th, 2011 at 11:58 pm
kuukii Says:
hmpt!!! gnda n sna tinapux nmn agad!!!
July 20th, 2011 at 2:05 am
pancho Says:
walang kwenta..
July 21st, 2011 at 2:24 am
gwen Says:
.,sa mga commentz nyo aq ntakot guyz.,
July 28th, 2011 at 2:21 am
CriticA Says:
bitin,
tsaka d xa nkakatakot mpapaicp k lng qng anu tlaga ang mer0n dun..
July 29th, 2011 at 4:17 am
july 29th, 2011 at 4:16 Says:
maganda ang kwento………..
August 2nd, 2011 at 12:55 am
che Says:
ngek… copy pasted man ito, nabasa ko sa isang maliit na magazine.. halos lahat kwento dito copy pasted…
August 8th, 2011 at 12:55 am
123456789 Says:
ai.. na disappoint aq xa sinabi ni che..!! nawalan aq ng ganang bumasa..!! <:(
August 8th, 2011 at 12:56 am
123456789 Says:
ai.. na disappoint aq xa sinabi ni che..!! nawalan aq ng ganang bumasa..!!
August 12th, 2011 at 3:15 pm
Acero Says:
Hay… Wlang ka kwenta kwenta. Mganda pa mgbasa ng xerex hehe
September 2nd, 2011 at 4:15 pm
Budz Says:
Mga ibng ngbabasa mga kupal, sa2bhin bitin tpos mgnda, meron bng bitin n mgnda, mga ungas kyo, pg bitin kwento cgurdo pnget un, bitin nga eh, panget kwento wlng kwenta, kant0t, kain tinggil
September 7th, 2011 at 4:40 am
nyla Says:
c guro kmag-ank nla ang halimaw kya nla itinago at matago rin cla s kahihiyan.
September 11th, 2011 at 9:05 am
sparta Says:
Eh 4ur info ako ung nkakadena kya no nid to worry.mb8 aq specialy s mga single n chicks.haha
September 12th, 2011 at 8:27 pm
`M4`Dr3ambOy` Says:
toinkz bitin ^^, cge bitin din score moh hehe.. 5 out of 10
September 23rd, 2011 at 11:04 pm
kristinejoy Says:
aaaayyyyyyyyyyyyyyyyyy super btin naman ang story.
September 26th, 2011 at 3:26 am
yong yong Says:
sa paaralan lungsod ng manila yan plm
October 11th, 2011 at 2:29 am
jojo Says:
heheheheheheh alam ko na ang itsura hahahaha
October 14th, 2011 at 7:35 am
Budz Says:
YONG YONG, BKIT DUN KA BA GRADUATE? ULOL MONG KUPAL KA, ALM KO KNG SAN KA GRADUATE, SA UR, Sa UNIVERSITY OF RECTO HEHEHE KYA WG KA MG MGLING KUPAL. MAG ABUCHIKIK IK IK IK KNA LNG HEHEHE
October 25th, 2011 at 11:11 pm
jilly Says:
bitin nga..itong si budz dapat dun lng sa xerex nag co2mment,wag dito sa kwentong takutan.
October 30th, 2011 at 2:54 am
taeng bata Says:
GUYZ ITS SUUUUUU BITIN I WANT TO KILL tHE AUTHOR AND THE MONSTER! POOP!
November 3rd, 2011 at 5:03 am
lara Says:
totoo ????
November 14th, 2011 at 2:55 am
nadaine Says:
haist nabitin ako dun ah!
November 14th, 2011 at 3:12 am
mailedi Says:
tsk nsman..bakit hinde sinabi kung ano yon??..
tsktsktsk..kakabitin..
November 30th, 2011 at 2:17 am
cez Says:
quite intriguing :/
December 16th, 2011 at 10:46 am
eirjerk Says:
,hays kakabitin tsk b3p!
December 21st, 2011 at 3:11 am
angelo Says:
NAKAKATAKOT PERO MEDYO BITIN SANA MALAMAN UNG TOTOO ATSAKA SANA MALAMAN KO UNG SKUL NA UN INTRAMUROS
December 21st, 2011 at 3:12 am
angelo Says:
BYE 2 ALL OF YOU OUT NA Q
December 28th, 2011 at 4:13 am
RAVIN Says:
baduy