Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Ang Tulay

August 14th, 2010

Napasigaw siya nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi niya mabilang na kaluluwang nakaharang sa tulay. Matatalim ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya.

NABALITAAN ni Alex mula sa kanyang mga pinsan na may gaganaping street dance party sa kabilang bayan. Iyon daw ang unang pagkakataong magkakaroon ng ganoong event doon bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa taong iyon.

“Cool, guys,” masiglang sabi niya sa apat na pinsan. “Join tayo sa street party na `yon. Tiyak na masaya `yon. Maraming beses na akong naka-experience ng ganoong gimmick sa Manila at nag-enjoy talaga ako.”

Tikom ang mga labing nagtinginan ang kanyang mga pinsan. Napakunot ang kanyang noo. Ramdam niyang walang balak ang apat na pumunta sa street dance party na iyon. Ni hindi man lang niya kinabakasan ng excitement ang mga ito.

“Come on, guys. Don’t tell me na wala kayong balak sumama sa akin sa pagpunta roon?”

Sabay-sabay na umiling ang mga ito.

“Kuya Alex,” ani Karla, ang pinakabata sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang takot sa mukha nito. “Gusto sana naming pumunta roon kaya lang ay natatakot kami.”

“Kailangan kasi nating tumawid sa isang tulay para makapunta roon,” dagdag ni Ferdie at nagpakawala pa ng buntong-hininga. “Wala naman kasing ibang daan para makarating tayo sa street party kundi ‘yong tulay.”

“Ano naman kung dadaan tayo sa isang tulay?”

“Maraming kababalaghang nangyayari sa tulay, Alex,” sabi ni Dina na tila kinikilabutang nayakap pa ang sarili. “Walang tagarito ang hindi natatakot doon at talagang umiiwas na tumawid doon kapag gabi.”

“Maraming nangyaring aksidente sa tulay na `yon,” maagap namang dugtong ni Dindo. “Karamihang sangkot ay mga dayo o motoristang napapadaan doon kapag dis-oras ng gabi. At iisa ang kanilang sinasabing dahilan nakaranas daw sila ng kababalaghan sa tulay.”

Tumawa siya. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng kanyang mga pinsan.

“Tigilan n’yo nga ako,” sabi niyang tinapik pa ang mga balikat nina Ferdie at Dindo. “Malayo na ang narating ng siyensiya at hindi na uso ang mga ganyang kuwento. Alam n’yo, pagtatawanan at mapapahiya lang kayo sa mga barkada ko sa Manila kapag narinig ang pinagsasasabi ninyo.”

“Hindi ka namin pipiliting maniwala, Kuya Alex,” nakangusong sabi ni Karla. “Pero nagsasabi kami ng totoo.”

“Kung kami ang masusunod, hindi ka namin papayagang pumunta sa party,” seryoso pa ring sabi ni Dindo. “Pero kung talagang gusto mo ay hindi ka naman namin mapipigilan. Ikaw ang may katawan, eh.”

“Hindi kita masasamahan, pinsan,” ani Ferdie. “Isipin mo nang duwag ako pero wala akong pakialam. Ayokong makipagsapalaran at baka `yon Pa ang maging mitsa ng buhay ko.”

“Labas din ako riyan,” segunda naman ni Dina. “Hindi ako sasama sa iyo, Alex, kahit gustung-gusto kong mag-joyride sa wheels mo. Hindi ko type makakita ng lumulutang na kabaong sa gitna ng Kalawang Bridge. O kaya naman ay makakita ng mga marahas na multong nagbabarikada sa gitna ng tulay para lang huwag kang makadaan o makalampas doon.”

Humalakhak siya. “Kung ayaw n’yong sumama, kaya kong mag-isa. And I assure you, mami-miss n’yo ang kalahati ng buhay n’yo.”

AMINADO si Alex na nakadama siya ng kakaiba kanina habang nagmamaneho ng kanyang kotse at dumaan sa tulay na kinatatakutan ng kanyang mga pinsan. Nang sandaling iyon ay wala naman sa isip niya ang tungkol sa naging paalala ng mga ito ngunit nakaranas talaga siya ng ganoong pakiramdam.

Hindi tuloy siya masyadong nakapag-enjoy sa dinaluhang street dance party dahil kahit ano ang gawin niya ay hindi niya maiwaksi ang pangamba.

Halos isang oras lamang siyang nakipagsayaw sa mga bagong kakilala at nagpasya na siyang umuwi. Nang magpaalam siya sa mga ito ay lalong nadagdagan ang kaba sa kanyang dibdib dahil seryosong nagbabala ang mga ito.

“Pati ba naman kayo?” aniyang sinikap huwag mahalata ng mga ito na natatakot na rin siya. “Wala bang ibang nasa isip ang mga tagarito kundi ang mga kababalaghang nagaganap sa Kalawang Bridge? Guys, tinatakot n’yo lang ang sarili ninyo.”

Tulad din ng mga pinsan niya ay seryoso ang mga ito at totoong nagmamalasakit sa kanya. Kaya nilisan niya ang lugar na iyon na abut-abot ang dasal na sana ay huwag siyang makaranas ng anumang kababalaghan sa tulay na kanyang daraanan.

“Oh, my God!” naibulalas niya nang malapit na siya sa Kalawang Bridge. Minsan pa kasing naghari sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Pinagpawisan siya nang malamig. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kotse. “Ano’ng ibig sabihin ng pakiramdam na ito? Makikita ko na ba ang mga multo?”

Nang nasa bukana na siya ng tulay ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nasinagan ng headlights ng kanyang kotse ang nakahilerang mga ataul na nasa gitna niyon. May tig-iisang kandila sa ibabaw niyon. Biglang natapakan niya ang preno sa tindi ng takot. Kumurap-kurap siya at isiniksik niya sa kanyang isip na pinaglalaruan lang siya ng paningin niya. Subalit nabatid niyang totoo iyon nang manatili ang mga ataul sa harap niya. Napasigaw siya nang makitang unti-unting lumulutang ang mga iyon. Nanginig ang kanyang buong katawan. Tila ibig sumabog ng kanyang ulo. Nataranta siya at hindi niya malaman ang gagawin.

Nang papalapit na sa kanyang kotse ang mga ataul na lumulutang sa hangin ay bigla siyang napalingon sa likuran upang umatras sana. At minsan pa siyang napasigaw nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi niya mabilang na kaluluwang nakaharang doon. Matatalim ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Halos mapugto na ang kanyang hininga sa labis na takot.

Ginamit niya ang kanyang nalalabing lakas ng loob at pinaharurot ang sasakyan palayo ng lugar na iyon. Pikit-matang sinagasaan niya ang mga ataul na nakalutang katapat ng bumper ng kanyang kotse. Nang wala siyang naramdamang impact ay napadilat siya. Kapagkuwa’y tinapakan niya ang preno at humihingal na lumingon. Wala na ang mga ataul at mga multong naghatid sa kanya ng labis na takot.

“Lord, salamat at hindi ako napahamak. Totoo pala ang lahat…”

DAHIL naniniwala na si Alex sa nagaganap na kababalaghan sa tulay ay nag-usisa siya sa kanyang Lolo Tasyo tungkol sa bagay na iyon. Nalaman niya mula rito na noong panahon ng digmaan ay doon pinatay ng mga Hapon ang maraming Pilipinong ibig lisanin ang bayang iyon upang makalayo sa kalupitan ng mga ito. Kamatayan ang tinamo ng mga ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang mga kaluluwa ng mga ito.

Wakas.

Tags: | 62 Comments »

62 Comments to “Ang Tulay”

  • October 31st, 2010 at 1:40 pm

    louella Says:

    …shems!.,grabe..woo!.

  • November 4th, 2010 at 7:30 am

    PHEB Says:

    so scary sobra..

  • November 15th, 2010 at 4:12 am

    jan elven Says:

    hehe nkakatakot sobra.

  • November 21st, 2010 at 12:56 pm

    jang Says:

    bat di nakalagay ang author ng story?

  • November 25th, 2010 at 6:05 am

    kate Says:

    haha… nga naman na tUlay iyan….hehe.. ok ang story… nextym dapat may tuloy…^^..

  • December 4th, 2010 at 4:45 pm

    pinky Says:

    nice story,.,.,

  • February 1st, 2011 at 10:29 am

    jecar Says:

    para kasi sa kanila lahat napapaliwanag ng science ang hindi nila alam na my roong nag hahari sa kabilang mundo

  • February 14th, 2011 at 3:46 am

    l.a. Says:

    nice story.. ;)

  • February 17th, 2011 at 2:50 am

    ritchie Says:

    nice one…

  • February 19th, 2011 at 8:49 am

    Di NatakOt Says:

    Haha exciting un ah. . .

  • March 2nd, 2011 at 4:10 am

    liah Says:

    wooo nakakatakot naman to!…

  • March 6th, 2011 at 4:55 am

    eliza Says:

    prang wla lng ..

  • March 6th, 2011 at 4:56 am

    eliza Says:

    prang wla lng ah .. d nmn ktkot eh ..

  • March 6th, 2011 at 10:41 am

    mars Says:

    nagbabasa habang nag cocols…hahaha nagising ako sa table ko ah….nakakapanindig balahibo…
    fabulous!!!!!

  • March 6th, 2011 at 11:44 am

    jhay Says:

    @stig maganda ung ending walang nasaktan.

  • March 13th, 2011 at 3:51 am

    JAMAICA Says:

    ITS SO SCRY NAMAN NIYANG TULAY NA YAN SNA D 22O

  • March 15th, 2011 at 12:59 am

    mitchelle Says:

    hmmmm,,, ganda dapat nilagay kung sino ang sumulat nyan,,,

  • March 18th, 2011 at 3:15 am

    Mae Vanissa Says:

    nkakalurky…..hindi na ako tatawid nang ganoong clase ng tulay

  • March 20th, 2011 at 2:09 am

    coolhet Says:

    pigil hininga ko dun ah..

  • May 15th, 2011 at 2:20 pm

    Belle Says:

    Galing! two thumbs up

  • May 17th, 2011 at 8:01 pm

    alma_zing Says:

    Edi true palang may lumulutang na mga ataul. Scary.

  • May 18th, 2011 at 9:49 pm

    Megz Says:

    So far eto ang story na da-best! ung iba korni e. ^^,

  • May 19th, 2011 at 1:00 am

    clarisa Says:

    nice one!maganda yun story hindi tulad ng iba….ask ko lang kung sino author?di kasi nakalagay sa taas.salamat :)

  • May 22nd, 2011 at 2:41 am

    Liza Marinas Says:

    Wow! Two thumbs up… Terrific story…

  • May 23rd, 2011 at 1:00 am

    royalty_ain Says:

    wheww!!!!..
    i love the story,,
    keep it up,,gawa kapa,

  • May 24th, 2011 at 10:53 pm

    _jhOsA_ Says:

    I agree..
    this is also a beautiful story..
    i also experienced that at san juanico bridge in leyte..

  • June 11th, 2011 at 4:45 am

    riza jøy Says:

    qReat ;-) :p

  • June 15th, 2011 at 1:03 am

    Maerell ^_^ Says:

    aus lng. ndi mn tam.an ka scary.. xD

  • June 15th, 2011 at 1:04 am

    Maerell ^_^ Says:

    ai..!! tnx xa story..

  • June 20th, 2011 at 1:33 am

    mystery boy29 Says:

    nice story yan thanks sa pagkwento. dhil na sasalamin ang lugar na alam ko tungkol sa mga may nagpapakitang kabablaghan d2 sa amin.tulad dn ng tulay na yan. o delingkwente na sinasabi nila.

  • June 24th, 2011 at 2:56 am

    jess27 Says:

    nice.. scary

  • June 24th, 2011 at 11:59 am

    Benjiesky Says:

    nice story poh :)

  • June 27th, 2011 at 12:54 am

    Maerell ^_^ Says:

    weh?? deep bah..!!

  • July 3rd, 2011 at 3:41 am

    lyn,dhats,riiya Says:

    lyn: wow nakakatakot naman ang story na ito!
    dhats:wow namangha ako doon sa story!!!
    riiya: ew wala nman nkaka tkot don!!!

  • July 19th, 2011 at 7:22 am

    lady_joy18_brrrrrrrr..... Says:

    medyo nakakatakot….

  • July 26th, 2011 at 12:32 am

    rhandz Says:

    yabang neto ni riyah pano kung makakita ka!

  • July 28th, 2011 at 2:10 am

    CriticA Says:

    n0t so scary pero pwd n dn

  • August 6th, 2011 at 4:06 am

    lyn,dhats,riiya Says:

    rhand! so what naman!

  • August 6th, 2011 at 4:07 am

    riiya Says:

    ilang bisis na ako nakaka kita nouh!

  • August 12th, 2011 at 3:44 pm

    Acero Says:

    Riiya bisay ka noh? Hehehe

  • August 12th, 2011 at 3:45 pm

    Acero Says:

    Bisis dw oh imbes na beses hahaha

  • August 13th, 2011 at 10:54 am

    Budz Says:

    Kupal ang panget ng storya

  • August 18th, 2011 at 8:00 am

    azinated Says:

    medyo ok n rin

  • August 21st, 2011 at 6:57 am

    kizzmack Says:

    bitin nga sa takutan eh…

  • August 24th, 2011 at 11:03 pm

    riiya Says:

    anung bisay? baka ikaw che! akala mu kung cno!

  • August 24th, 2011 at 11:05 pm

    amy Says:

    bakit so what naman sau? acero aden sidong nin?

  • August 29th, 2011 at 12:48 am

    ilai Says:

    ..lupet mang-okray wuahh..wagas..hakhak..piz :)

  • September 2nd, 2011 at 5:23 pm

    Budz Says:

    Mukhang tama c acero bisaya nga c riiya hehehe pro pare love q xa. Hi riiya. Nung number mo, hi amy muk mapi ka tlga

  • September 2nd, 2011 at 5:30 pm

    Budz Says:

    Riiya wg mo nman trayan c acero, gwapo kya yan, tropa q yan, mkalaglag panty yan kgaya q 220
    wlng biro, kya wg kna mgalit riiya, luv u na d8 tau linggo day off mo db hehe

  • September 2nd, 2011 at 5:31 pm

    Budz Says:

    Kht bisaya ka ok lng riiya, luv u hehe

  • September 15th, 2011 at 1:34 am

    Dutchess025 Says:

    wehehe!! pwede na wpede!!

  • September 23rd, 2011 at 11:22 pm

    kristinejoy Says:

    ggooooooooooooooood xa.hehehehehe

  • October 3rd, 2011 at 2:00 am

    kirbypot Says:

    .wheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeew.thx

  • October 14th, 2011 at 5:39 am

    Budz Says:

    KALOKOHAN MGA KWENTO D2, MGA TANGA LNG KAKA GUZ2 S MGA STORYA D2, ANG LUPET MANG GAGO NG GMAWA, UTAK IPIS TLGA ANG LOKO HEHEHE

  • October 18th, 2011 at 12:38 am

    jha Says:

    nice story ! tnx ..

  • October 31st, 2011 at 6:33 am

    DeaTH SpIrIT XD Says:

    Mga loko loko tlaga kau io kuya budz at kaw acero maging gentleman nman kau bka mul2hin kau ni ate riiya visa-kol patay kau jan hehehe joke lng piece

  • November 14th, 2011 at 4:15 am

    mailedi Says:

    nice story tanx!!..

  • November 22nd, 2011 at 9:31 am

    black_angel Says:

    pangit ka cguro buds,,, kase pangit din mga comment mu eh,,, wala ka na bang masabng maganda????????????? magcmba ka naman

  • November 28th, 2011 at 12:24 am

    cez Says:

    TRAGIC >.<

  • November 28th, 2011 at 2:36 am

    mhal ko :) Says:

    katakot ..

  • December 27th, 2011 at 5:37 pm

    jonash Says:

    s!mple and scray and souh nice next time long story ok nice one my friend hehehehe. Add me on my facebook jonashsamboat@yahoo.com

  • December 28th, 2011 at 9:53 pm

    Kanade Tashibana Says:

    what are you guys doing? Please stop fight’ and also you Mr. Badz because riiya is not a girl he’s a boy!

Leave a Reply