Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Choir Member

March 15th, 2010

Si Allan ang matiyagang choir master na nagtuturo sa mga kabataang miyembro ng choir. Sa isang parokya iyon sa Meycauayan Bulacan. Sa mismong simbahan ginaganap ang practice ng mga choir members. Three times a week iyon kung gawin ni Allan.

Sa pag-eensayo, alam ng lahat kung gaano kaistrikto si Sir Allan, tawag dito ng mga kabataan. Hanggang hindi nape-perpekto ay sadyang hindi tinitigilan ni Allan ang practice.

Kailangang mangyari ang gusto ng choir master. Ang pulido nitong marinig ang mga kantang ineensayo nila. Kung hindi ay hindi rin ito titigil ng pagpapaulit-ulit ng pagpapakanta sa mga kabataan.

Minsan pang pumalatak si Allan. Ibig sabihin ay hindi pa rin ito kuntento.

“Ulit…ulit…sa chorus part. Piano.. .go.. .one.. .two.. .sing…”

Muling pumailanlang ang boses ng mga kabataan. Isang kantang pangsimbahan ang noo’y ineensayo nila.

Yumuko pa si Allan at matamang pinakinggan ang bawat timbre ng boses ng mga kumakantang kabataan. Pagkuwa’y kumumpas ang isang kamay ni Allan. Hudyat ng pagpapatigil sa mga kumakanta.

“Ano ba kayo? Ano ba’ng pinagkakain ninyo at ganyan ang mga boses ninyo ha?”

Walang imik ang lahat. Marahil ay nahalata na iba na ang timpla ng boses ng kanilang tagapagturo. Kapag ganoon na ang mood ni Allan, mas malamang kaysa hindi na may sitahin ito.

“Ulitinn’yo ngaulit…mulasaumpisa. Piano… go…one… two…sing…”

Muling inumpisahan ang pagkanta. Tahimik na pinakinggan ni Allan ang timbre ng mga boses.

Noo’y paparating ang Kura paroko na si Monsi, kung tawagin nila. Short for Monsignor.

Sa ‘di kalayuan ay pumuwesto ng upo ang Kura paroko. Pinanood ang mga nagsisikanta.

Kung pagmamasdang mabuti ang pari ay waring iniisa-isa nito sa tingin ang mga nakahi lerang kabataan. Ang mga batang ito’y naging malapit na rin sa pari, magmula ng maging miyembro ng choir ng simbahan.

Muling kumumpas ang isang kamay ni Allan.

“Mero’n pa rin, e. Mero’n pa ring sintunado sa inyo. Mahuli ko lang kung sino sa inyo ang sintunado.. .tatanggalin ko talaga!”

Iritado na ang boses ni Allan. Mula sa kinauupuan ng Kura paroko ay napapangiti na ito.

“Ulitinn’yo sa chorus part.. .one.. .two.. .sing…”

Ngunit bago pa matapos ang chorus ay kumumpas na naman ng pagpapatigil si Allan. Nakasimangot na ito.

“Kung nandito lang sana si Dexter.. .hindi na ‘ko mahihirapang ma-trace kung sino sa inyo ang sintunado, e. Tiyak na siya ‘yon. Lintik naman, e! Sino ba kasi ang balikuko ang boses sa inyo? Hanggang hindi ninyo inaayos ang kanta n’yo hindi kayo makakauwi hanggang bukas!”

“Sir, easy lang,” sambot ni Monsignor. Pangiti-ngiti.

“Pag-aaalisin ko na ‘tong mga ‘to, Monsi. Puro boses palaka! Mukhang nagsasayang lang ako ng oras ko, e.”

“Pagbutihin n’yo kasi. Sige magagalit sa inyo n’yan si Sir Allan,” sabi pa ni Monsignor.

Muling pinaulit ni Allan ang kanta. Ngunit nakakailang linya pa lang ay halos magmura na ito. Pinigil lang ituloy dahil naroroon marahil ang pari.

“Punyeta! Isang laksa kayong sintunado!”

Tuluyang tumayo mula sa kinauupuan ang pari at lumapit sa puwesto ng koro.

“Ayaw bang umamin sa iyo kung sino ang sintunado ha? Puwes ako ang magsasabi kung sino.”

Napalingon sa pari si Allan. Bahagyang nakakunot-noo.

“Sir, kasi ‘ala namang diprensiya ang mga estudyante mong buhay. Hindi sila ang sintunado. Iyon ang totoo.”.

Lalong napakunot-noo si Allan. Ngunit hindi nito magawang ngumiti sa tinuran ng pari na alam ng lahat na mahilig sa pagbibiro.

“Kasi ang sintunado ay iyong dati pa rin.. .ang paborito mong estudyante na bagamat sintunado ay hindi mo magawa-gawang tanggalin sa grupo.”

Saglit pa munang waring in-absorb ng lahat ang tinuran ng pari. Pagkuwa’y nagtilian na ang ilang kababaihan.

“Monsi ha! Nananakot naman kayo d’yan, e!”

“Ako.. .nananakot? Hindi, a.”

Hindi nagkomento ni umimik si Allan. Ngunit nakatutok ang tingin nito sa pari. Seryoso ang anyo ni Allan.

“Aber.. .sino ba sa akala ninyo ang tinutukoy kong sintunado? Hulaan n’yo nga?”

“Si Dexter!” halos sabay-sabay na sigaw ng lahat.

“Korek kayo r’yan! At ‘and’yan siya ngayon sa tabi ninyo.”

Nagtiliang muli ang mga babae. Nagsialis sa puwesto.

“Sir, hindi ako nagbibiro.. .nakiki-practice sa inyo ang paborito mong estudyante ngayon.”

Hindi na napigil ang mga bata na tuluyang tumakbo palayo sa lugar ng koro. Habang sigaw nang sigaw at tili nang tili sa takot.

Si Dexter ay dating choir member. Ngunit last year lang ay hindi na ito nakasali pa. Naaksidente si Dexter. Sakay ito ng motorsiklo nang mabundol ng isang humahagibis na truck. Dead on the spot si Dexter.

Totoo ang sinabi ni Monsignor. Paboritong estudyante ni Allan si Dexter. Paboritong pagalitan dahil kay hirap itama ng sintunado nitong tono.

Walang sisintunado pa sa boses ni Dexter. Kung bakit hilig nito ang maging miyembro ng choir.

Totoo pa rin ang sinabi ni Monsignor na nakiki-practice noon si Dexter. Si Monsignor ay isa sa piling tao na nagtataglay ng tinatawag na third eye kaya nakikita niya maging ang mga nilalang na hindi na nabibilang sa ating mundo.

Ang Wakas

Tags: | 18 Comments »

18 Comments to “Choir Member”

  • August 8th, 2010 at 7:06 am

    jenny Says:

    ang gandaaaaaaaaaaaaaaaaaaa sana mgadagdag pa kayo ng mga nakakatakot na mga kwento at more blessings!!!!!!!!!!!

  • January 13th, 2011 at 4:52 am

    lenny Says:

    di naman nakakatakot…
    nakakatawa nga eh.
    naging comedy….

  • January 20th, 2011 at 6:34 am

    claaire amoto Says:

    k lng pro 4 me,,hnd ako naaptau an ng blahibo,,hnd xca mxado nkakatakot,,
    comment ko lng,,dpat ang isang tulad ng choir master dpat ay,,pasensyoso,,,,kc hnd nmn tao iniaalay ang knta e,,kundi xa panginoon,,

  • January 31st, 2011 at 2:35 am

    chan Says:

    disagree. i’m also a part of an internationalchoral group and i experienced a lot of practices na napakahirap talaga. dapat naman tlaga strict ung conductor para pgdating sa practice, mgkkaroon ng focus ung mga members .

  • February 19th, 2011 at 11:17 pm

    KIrA Says:

    ANG DEMONYO NAKAGAWA NG PARAAN PARA MAPANIWALA ANG TAO!! ALAM NI MONSI YAN.. KAYA KUNG AQ SAU WAG MO NA LOKOHIN MGA BATA. HAHAHA

  • April 29th, 2011 at 9:05 pm

    rachelle Says:

    luv it

  • May 1st, 2011 at 12:14 pm

    Mary Sue Says:

    Nice :) )))) .. crux ko si Dexter .. c:

  • May 2nd, 2011 at 7:02 am

    Adorable Sweetheart Says:

    Sana po mag-dagdag pa po kayo ng mga nakakatakot na stories kasi i love reading on your site ….. more power god bless!

  • May 31st, 2011 at 11:05 am

    eL Says:

    nice

  • June 25th, 2011 at 1:50 am

    jess27 Says:

    uhmm.. nkakatawa d scary

  • August 14th, 2011 at 1:33 pm

    Budz Says:

    Ang panget tlga ng kwento, wlang ka dating dating, hehehe

  • August 23rd, 2011 at 10:34 am

    Budz Says:

    Kupal

  • September 12th, 2011 at 11:40 pm

    Dutchess025 Says:

    :|

  • October 6th, 2011 at 1:51 am

    Erwin Florez Says:

    @Budz.., sa lahat ng comment muh??? wala aqng nabasang matino.., puro katarantaduhan.., puro kalibugan.., shut up!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! INGAY mu eh…,,

  • October 14th, 2011 at 1:22 am

    Budz Says:

    ERWIN FLOREZ.. BAKLA KA NOH? DADA K KC NG DADA, MS MRUNONG KPA S COMMENT Q, MY REGLA KB NGAUN? HAHAHA, E2 ANO Q ISUBO MO PRA MANAHIMIK KNG BAKLA KA, PREHAS Kyo ng kwento, wlang kwenta, pro ka lng kbaklaan hehe

  • December 11th, 2011 at 6:28 am

    SIM Says:

    GRAVE UNG MASTER, NANDUN NA TAU SA PAGIGING STRIKTO, PRO MY MALI SA GNGWA NYA,…. DPT ANG DISIPLINA NAGUMPISA SA KNYA, SYA DPT ANG MGNG ROLE MODEL

  • December 12th, 2011 at 10:53 pm

    Hailey Says:

    Nice :)

  • December 26th, 2011 at 3:32 am

    youdi3 Says:

    BoBo mu Budz kupal ka . Mukha kang tae iyutin mu nlang nanay mu hahaha

Leave a Reply