Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Expressway

August 16th, 2009

Totoong masarap magbiyahe sa NLEX dahil walang traffic. Kung nagmamadali ay hindi mababalam at tiyak na makararating agad sa paroroonan. Iyon ay kung hindi mapapadaan sa isang bahagi ng NLEX napatungong Norte. Sa bahaging ayon sa sabi-sabi ay accident zone.

Ayon din sa sabi-sabi, madalas na maganap ang aksidente sa gawing iyon ng NLEX sa mga dilingkuwenteng oras. Tuwing madaling araw.

Sa mga motoristang nakakaalam ng kuwento, gawi na nilang bumusina o maghagis ng coin sa tuwing daraan sa gawing iyon ng NLEX. Paraan daw iyon upang itaboy ang bad spirit upang malayo sila sa aksidente.

Isang madaling araw ay sakay ng van ang pamilya ni Mr. Cruz. Siya, ang kanyang asawa at tatlong anak ang lulan ng van. Pinili nilang madaling araw maglakbay upang umuwi sa Ilocos para dumalo sa kapistahan doon. Tagaroon ang asawa ni Mr. Cruz.

Sa Quezon City nakabase ang mag-anak dahil doon na sila nakabili ng bahay.

Nalingunan ni Mr. Cruz ang tatlong anak sa backseat. Tulog ang mga ito. Ang katabing asawa nama’y mukhang napipikit na rin ang mga mata. Halos hindi kasi sila nakatulog daliil sa excitement sa biyahe nilang iyon na matagal din nilang pinagplanuhan.

“Ma…” untag ni Mr. Cruz sa asawa.

Umungol ang babae.

“Ma, huwag mo akong tulugan at baka antukin din ako. Mag kuwento ka nga.”

Naghikab pa ang babae.

“Nakakaantok naman kasi. Ano’ng oras na ba?” tumingin ito sa suot na wrist watch. “Ito naman ang hirap ‘pag ganitong oras nagbiyahe. Wala ngang traffic at malamig nakakaantok naman.”

“Mamaya ka na lang bumawi ng tulog pagdating natin do’n.”

“Oo nga. Nasan na ba tayo?”

“Part pa rin ng Pampanga ‘to.”

“Pampanga pa lang ba tayo? Tagal pa pala bago tayo makarating sa destinasyon natin. Dad, gusto mo ng coffee?”

“Good idea. Sige nga nang mawala rin ang antok ko.”

Hinagilap ng babae ang baon nilang thermos.

“Medyo mag-menor ka baka tumapon itong…Dad! May tumatawid!”

Ikinataranta ni Mr. Cruz ang pagsigaw na iyon ng asawa. Naapakan nito ang preno, nakabig ang kambiyo ngunit himalang dumeretso ng takbo ang van.

Mabilis ang sumunod na pangyayari. Sa kagustuhan ni Mr. Cruz na maiwasan ang papatawid na tao ay walang humpay na kabig sa manibela at padyak sa preno ang ginawa nito. Halos umekis sa pagtakbo ang van, tumawid na sa kabilang lane at dumeretso sa pabulusok na damuhan. Humangga ito sa mataas at konkretong pader.

Malakas na tunog ng pagsalpok ang sumunod na bumasag sa katahimikan ng gabi. Saglit lang, tunog na ng highway patrol car ang maririnig.

Kalat na ang liwanag nang madala sa pinakamalapit na hospital ang mag-anak. Dead on the spot si Mr. Cruz. Malubhang nasugatan ang dalawang anak. Ang bunso ay binawian ng buhay sa hospital. Fifty-fifty sa operating room ang asawa ni Mr. Cruz.

A week later, saka lang nagawang makausap ng awtoridad si Mrs. Cruz. Labis ang pagdadalamhati nito matapos malamang patay na ang asawa at ang bunsong anak. Hiningan siya ng pahayag ng pulis.

Dumating ang ilang kaanak ni Mrs. Cruz sa hospital, mula sa Ilocos na labis nagdalamhati sa sinapit ng mag-anak.

“A-Ano ba’ng nangyari? B-Bakit kayo naaksidente, Ate?”

Kasalit ng pagluha ay nagawang magkuwento ni Mrs. Cruz.

“K-Kitang-kita kong tumatawid ‘yung babae.. .masasagasaan namin siya.. .a-ang lapit niya.. .ang lapit-lapit na niya pero.. .h-hindi magawang ipreno ng asawa ko ang…”

Pilit pinakalma si Mrs. Cruz ng mga kaanak.

“P-Paano n’yo nalaman na…”

“May tumawag sa bahay bandang 2:30 ng madaling araw. Ibinalitang naaksidente daw kayo sa NLEX at…”

“2:30? Tumawag… sa inyo?”Nasa anyo na ni Mrs. Cruz ang pagtataka.

“Oo, Ate. Busy nga kami sa pagluluto kaya gising pa kami no’n. Nataranta na kami pagkatanggap namin sa balita.”

“Pero.. .paano nangyari ‘yon”

“Ang alin?”

“Hindi ganoong oras nangyari ang.. .past three na kami umalis ng Manila, Len. Nang mangyari ang aksidente.. .past four.”

Nagtinginan ang mga kaanak ni Mrs. Cruz.

“Hindi ako puwedeng magkamali, Len. Dahil bago mangyari ang.. .tumingin pa ako sa oras.”

“Hindi rin ako puwedeng magkamali, Ate. Bago ko sagutin ang phone tumingin din ako sa oras. Dahil nagtaka ako kung sino ang posibleng tumawag sa oras na ‘yon ng madaling araw. 2:30 talaga.”

Walang nagsisinungaling o nagkakamali sa dalawa. Totoong past three na nakaalis sa Manila ang mag-anak. Totoong 2:30 nakatanggap ng tawag ang pamilya ni Mrs. Cruz sa Ilocos. At totoo rin past four ng madaling araw naganap ang aksidente.

Sinadya ang lahat at itinakdang maganap nang mahiwagang “distractor” sa NLEX na marami ng nabiktimang motorista. Maraming buhay na ang nabuwis nang dahil sa mahiwagang distractor ng NLEX.

Si Kamatayan!

Ang Wakas…

Tags: | 27 Comments »

27 Comments to “Expressway”

  • August 11th, 2010 at 5:04 am

    cristine dee Says:

    siLLy, ang Labo,

  • November 8th, 2010 at 8:32 am

    Arianne Says:

    Oo nga eh, ang labo nga nung kuwento..hindi man lang nalaman kung cno ung tumatawid… bat ganon?

  • November 12th, 2010 at 1:52 pm

    Sadiki 2010 Says:

    Bka metro aid ang 2mawid

  • December 1st, 2010 at 12:25 am

    gargaruru Says:

    ang gulo nga…

  • February 3rd, 2011 at 10:03 pm

    ahkrirah rana Says:

    ang gulo nga talaga…bitin….

  • February 20th, 2011 at 6:56 am

    alma Says:

    hndi man nkkatakot ei !!

  • March 21st, 2011 at 8:32 pm

    feng Says:

    c kamatayan ang tumawid!!!! slow kau!!

  • April 2nd, 2011 at 10:39 pm

    laka Says:

    sana sinagasaan nlmg nila si kamatayan haha

  • April 13th, 2011 at 6:30 am

    jenme Says:

    nakakabitin….

  • April 16th, 2011 at 8:58 pm

    joy Says:

    bitin !!!!!!

  • April 23rd, 2011 at 8:31 am

    Aisa Says:

    Tama sna cnagasaan nlang nla ang tumatwid tao man yun o dmonyo,,wla ng choice eh,,anyway thanks prin bititn!!

  • May 23rd, 2011 at 1:22 am

    royalty_ain Says:

    wow,,i like the story,,hmmff’,
    my twist..

  • June 23rd, 2011 at 1:12 am

    mabeth Says:

    saang banda sa NLEX ba yan? mahaba ang NLEX. specific please.

  • June 23rd, 2011 at 6:02 pm

    Karen Says:

    magulo, madaming tanong na maiiwan sa isip ng reader once na binasa yung story.

  • June 27th, 2011 at 3:23 am

    kong Says:

    gumawa namn kayo ng over nakakatakot

  • June 27th, 2011 at 3:25 am

    batch Says:

    paki habaan po ang mga susunod na mga kwento.

  • August 15th, 2011 at 10:14 am

    Budz Says:

    Ang panget ng kwento wlang kwenta prang tanga lng. Prng nd incip ng gmwa. Bsta ngsulat lng hehehe

  • September 8th, 2011 at 4:45 am

    jr07pam Says:

    ybang lng yan

  • September 8th, 2011 at 4:45 am

    jr07pam Says:

    hahaha..tnx padin

  • September 12th, 2011 at 8:12 pm

    `M4`Dr3ambOy` Says:

    pwede na ^,^ 7 out of 10

  • September 17th, 2011 at 9:09 am

    sparta Says:

    Dpat kc may traafic enforcer dun

  • October 6th, 2011 at 6:58 am

    fun Says:

    tama ang gul0.,

  • October 13th, 2011 at 3:44 pm

    Budz Says:

    JR07PAM, ULOL KANG GAGO KA, KUPAL KA, PREHAS KYO NUN KWENTO WLANG KWENTA, UTAK IPIS, Bakla ka nman, ungas

  • October 26th, 2011 at 8:06 pm

    maggie Says:

    uu nga ang gulo… nakakatakot na sana kaya lng naguluhan ako at the end ng story…

  • November 15th, 2011 at 3:12 am

    mailedi Says:

    kinda confusing..
    parang hinde pah tapos ang story.. :|

  • November 15th, 2011 at 3:13 am

    mailedi Says:

    hinde pah sinabi kung sino ang tumawag..at sino yong distractor nah yun..

  • January 6th, 2012 at 2:34 am

    lans Says:

    BITIIIIIIIIIIIIIIIIN…!!!!!!!!!!!!!!1

Leave a Reply