Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

Next Week Haunted Story - Boksingero


latest Haunted story - Karma


Preview ng Boksingero

Ano ang dahilan at hindi mapanatag ang kaluluwa ng isang BOKSINGERO?...

Mahika

August 6th, 2011

Sumenyas ang mahiwagang babae na pumasok si Hedrako sa pinto. Walang pag-aalinlangan na ganoon ang ginawa niya. Pumasok siya sa isang pinto. Sabay-sabay na lumabas sa anim na pinto ang mga katauhan ni Hedrako. Napamulagat ang mga nanonood. Totoo ba ang nakikita nila? Anim na Hedrako ang lumabas sa anim na pinto?…

Si Hedrako ang itinuturing na pinakamagaling na magician ng modernong panahon. Suot ang kapa at sumbrerong itim ay pumalot na ito sa entablado para pakitaan ng magic tricks ang mga manonood. Nagpalakpakan ang lahat pagkakita sa kanya.

Pumuwesto na si Hedrako. Hinugot nito ang panyo sa bulsa at paghagis sa ere, ang panyo ay naging paniki.

Palakpakan ang mga tao. “More! More!” sigaw ng mga ito.

Yumukod si Hedrako. Para lalong mapabilib ang mga tagahanga ay naglabas naman siya ng malalaking baraha, binalasa muna, hinimas at pagbunot, nabunot niya ay Joker. Sa isang kisapmata lang ang hawak niyang barahang Joker ay naging taong Joker.

Tawanan.

Ganoon kung paano paligayahin ni Hedrako ang kanyang mga tagahanga. Maging mga bata ay natutuwa sa kanyang magical show.

“Daddy, totoo ba ang magic dinig niyang tanong ng isang bata sa ama.

Kumindat ang lalaking may bitbit sa bata. “Oo naman. Dahil si Hedrako ang great magician!”

Masaya si Hedrako sa mga papuri sa kanya. Ang hangarin niya noong una ay magbigay ng aliw. Pahangain ang mgapanatiko sa mga gimik na dinadaan niya sa talas ng isip, bilis ng kamay.

Ang lahat ay nagbago nang isang mahikero ang dumayo sa lugar kung saan doon din siya nagpapalabas. Maging siya ay namangha sa ipinapakitang magic nito. Naka-set sa entablado ang dalawang pinto na magkakalayo. Pumasok ito sa isang pinto pero nakita niya rin na lumabas ito sa ikalawang pinto na may dalawang dipa ang layo, at sabay pa ng oras ang pagpasok at paglabas.

Kinusot niya ang mata. Paano nangyari na naging dalawa ang katauhan ng lalaking iyon?

Basta ang huling natatandaan niya ay umugong ang palakpakan.

Nagdilim ang anyo niya lalo pa’t inagawan siya ng lalaking iyon ng eksena.

“Hindi ako papayag na may mas magaling pa kay Hedrako. Hindi!”

Hindi naniyamaawat, unti-unting gumuguhit ng pangalan sa larangan ng mahika ang lalaking nakilala sa pangalang Adamus.

Mas bago ang gimik. Mas nakakagulat.

Sa bawat palabas ni Adamus ay may kasama itong magandang sirkera.

Ang sirkera ay matapat na tagapaglingkod ni Adamus. Kahit ano ay gagawin nito basta iniutos ng mahikero. Delikado ang stunt na ipinagagawa ni Adamus. Kung hindi ito nagpapalipat-lipat sa baging sa ere, pinapahiga pa ito sa dulo ng espada.

Labis na hinangaan ng tao ang paghiga nito sa dalawang espada na nakatusok sa batok at paa.

At ang gimik na pinuputul-putol ang katawan nito habang nakahiga sa loob ng kahon. Isang lumang trick pero kagat pa rin sa mga manonood.

Palakpakan ang bilib na bilib na mga manonood. “Adamus, ikaw na ang Great Magician!” sigaw ng isa, at kasunod niyon ang mga sipulan.

Larawan ng pagkadismaya si Hedrako. “Walang kuwenta ang gimik mO, Adamus! May daya!” nagpupuyos ang kalooban niya. Hindi siya papayag na masapawan ng dayong mahikero.

Desperado na nagpakalango sa alak si Hedrako. Hindi niya matanggap na may aagaw sa kanyang puwesto bilang pinakamagaling sa salamangka.

“Kahit isangla ko ang kaluluwa ko kay Satanas, maipakita ko lang ang totoong magic!”

Isang gabi ito nang hamunin niya pati diyos ng mga black magic. Tinawag niya pati kampon ng dilim pagkalooban lang siya ng kakaibang mahika na hindi pa nakikita ng lahat.

Maging ang libro ng karunungang itim at mga orasyong napapaloob dito ay tinuklas ni Hedrako. Lubhang panganib ang dulot ng mahikang itim alam niya pero susubukan niya.

Ewan kung dala ng kalasingan ay nakakita siya ng kakaibang usok sa loob ng kanyang silid. Ang usok na iyon ay nagkahugis, naging isang anyo ng pagkaganda-gandang babae. “Sino ka?”

Napuno ng halakhak ang buong silid niya. Nakatulugan ni Hedrako ang lahat ng pangitain.

Kinabukasan ay may pagtatanghal si Hedrako. Pinagsabay pa sila ni Adamus.

Hinamon pa siya ni Adamus. “Magaling na mahikero. Bakit hindi mo gayahin ang mga magic tricks na ginagawa ko para sabay nating makuha ang atensiyon ng mga manonood?”

Tiim-bagang lang si Hedrako. “May sarili akong istilo ng mahika kaya pakialaman mo ang sarili mo, huwag ako.”

Napaatras si Adamus lalo pa’t may nakikita siyang apoy sa mata ni Hedrako.

Pumalaot sa entablado si Hedrako. Ang nakagawiang mahika lamang ang ipapakita niya pero may kung anong puwersa na parang iniiba ang galaw niya. May kumokontrol sa galaw niya.

Kung siya lang ay hindi niya alam ang mahikang ito. Hawak niya ang patpat na may apoy sa dulo, at sinasabi ng kamay niya na isubo niya ang apoy. Medyo natakot si Hedrako dahil hindi naman siya kumakain ng apoy. Pero subo na pala niya ang apoy, at ni hindi siya nakaramdam nang pagkapaso. Para lang siyang humihigop ng mainit na kape. Pagbuga niya sa apoy ay nagkaroon ng anyo ang apoy, naging isang pagkaganda-gandang babae ang usok ng apoy.

Namangha ang mga manonood.

Palakpakan.

Maging si Adamus ay napahanga sa kakaibang mahikang ito.

Napangisi si Hedrako. Una ay nakaramdam siya ng pagtataka, ng takot. Pero sa naririnig niyang palakpakan ay sunod na lang siya sa kung anong itatakda. Kung kanino mang puwersa ang nagapagalaw sa kanya ay gusto pa niyang pasalamatan.

Gusto na niyang hamunin si Adamus. “Ano, laban ka?” ang yabang niya.

Tila magso-show down ang dalawang mahikero. Paligsahan ng galing sa mahika.

Pinauna niya si Adamus. Muli ay inihiga ni Adamus ang babaing sirkera sa dulo ng espada. Himala na hindi man lang natutusok ang babae at nakadekuwatro pa ang paa.

Palakpakan.

Sumenyas ang mahiwagang babae kay Hedrako. Siya naman daw ang pahigain nito sa espada.

Duda man sa kakayahan sa ganitong uri ng mahika ay inihiga na rin ni Hedrako ang babae sa dulo ng espada. Makapigil-hininga nang makita nilang tumagos ang dulo ng espada sa katawan ng babae.

Hiyawan.

Natakot ang mga manonood.

Pero saglit lang ang takot, dahil parang walang anuman na tumayo ang babae at ni walang dugo at galos sa katawan.

Sigawan. Lahat ay napabilib ni Hedrako.

Napahalakhak si Hedrako. Maging siya ay pinabilib ng magic.

Muli niyang hinamon si Adamus. “Kakasa ka pa ba?”

Gusto nang umatras ni Adamus dahil hindi niya kaya ang kalaban. Iba ang lakas ng kalaban.

Nanlilisik ang mata ni Hedrako. “Ano, pulpol na mahikero! Ngayon mo ipakita ang galing mo! Huwag kang aatras kung ayaw mong gawin kitang paniki!”

Nangininig man ang kamay ay muling inihiga ni Adamus ang sirkera sa pinagdugtong na kahon, at kagaya nang nakagawian ay tinutusok niya ng espada ang mga butas ng kahon. Nailabas niya ang sirkera nang walang sugat at galos.

Matapos iyon, ang mahiwagang babae na partner ni Hedrako ang pumuwesto naman sa kahon. Ayaw ipasara ang kahon. Sinenyasan pa siya na kumuha ng palakol.

Atubili man ay sumunod ang mahikero.

“Sige, hatiin mo ang katawan ko ng palakol,” utos ng babae.

Umiiling siya, alanganin siya sa gagawin.

“Hatiin mo!” makapangyarihan ang utos.

Parang may puwersang nagtaas sa kamay niya hawak ang palakol at buong diin na kinatay ang katawan ng babae.

Sigawan. Kitang-kita nila nang lumipad sa ere ang itaas na bahagi ng katawan babae.
Muntik nang magpanakbuhan palabas ang mga nanonood sa magic show kung hindi lang sila inawat ng mahikero. “Tingnan n’yo, buo pa rin ang katawan niya!” Napanganga sila nang bumangon ang babae, buo ang katawan.
Standing ovation. Sinapawan ng palakpak ang takot.

“Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng magic na ganito!” sabi ng isang tagahanga na nakarating na yata sa lahat ng sulok ng mundo pero ngayon lang nakakita nang ganitong uri ng magic.

Si Adamus ay biglang nawala sa eksena. Batid niyon kung anong klase ng mahika ang lumukob sa katunggali, bagay na hindi niyon kayang labanan.

Halos tumangos ang ilong ni Hedrako sa mga papuri. Hawak na niya ang korona bilang pinakamagaling na mahikero sa buong mundo.

Ang kakaibang magic niya ay napabantog. Hindi na maawat ang kanyang pagyaman at kasikatan.

“NAKALALASING talaga ang tagumpay!” hawak niya ang kopita ng alak, at halos palibutan siya ng mga babae mula sa iba’t ibang lahi. “Akin ang mundo. Sa kamay ko iikot ang mundo!”

Patuloy sa pamamayagpag sa kasikatan si Hedrako. Ang magic show niya ay kinatakutang sabayan ng mga bantog na mahikero sa takot na baka langawin lang ang show nila. Ang show ni Hedrako ang dinudumog ng tao.

May mga nagtangka na gayahin ang gimik niya, pero disgrasya lang ang ibinunga nang lahat.

Ang mahikerong si Blanco ay nasa piitan na ngayon matapos hatiin ang katawan ng sirkerang babae, at talagang nahati iyon.

Ginaya rin ng mahikerong si Frank ang pagkain ni Hedrako ng apoy pero disgrasyang nasunog ang bibig nito. Wala na itong show.

Lahat nang gumaya sa mahika ni Hedrako ay pawang bigo.

“Ano kaya ang sikreto ng mahika ni Hedrako? Parang galing sa karunungang itim. Black magic!” Nagtataka na rin ang kanyang mga kasama.

“Kahit kanino pang demonyo galing, ang mahalaga ay tumitiba tayo ng pera,” sabi ng promoter ng kanyang show.

Makapigil-hininga nga ang bawat pagtatanghal ni Hedrako.

Sa gabing ito ay gagayahin niya ang gimik ng dating pamosong si Adamus. Papasok siya sa isang pinto kasabay na lalabas ang katauhan niya sa ikalawang pinto.

Hindi ganito ang naging set up sa entablado.’

Nagulat siya nang maraming pinto ang nandoon. Anim? Pito.

Sumenyas sa kanya ang mahiwagang babae na pumasok siya sa pinto. Wala na ang pag-aalinlangan, ganoon na nga ang ginawa niya, pumasok siya sa isang pinto. Sabay-sabay na lumabas sa anim na pinto ang mga katauhan ni Hedrako.

Napamulagat ang mga nanonood. Totoo ba ang nakikita nila? Anim na Hedrako ang lumabas sa anim na pinto. Sabay-sabay pang yumukod at nagtanggal ng sumbrero.

Halos hindi magkamayaw sa sigawan at palakpakan.

Talagang pinabibilib sila ng mahikerong ito.

Maging ang tunay na Hedrako na nasa likod ng entablado ay kinikilabutan na sa kanyang palabas. Paano nangyari na dumami siya?

Ngayon niya kinatakutan ang sariling magic.
Ang puwersang kumokontrol sa kanyang mga kamay.

Ang mahiwagang babae na laging nagtutulak sa marahas na galaw.

Ang pagdami ng kanyang anyo. Nalito tuloy siya kung siya ang orihinal na Hedrako.

Paano kung nilukuban na rin ng dilim ang sarili niyang anyo?

Hindi nagsara ng kurtina ng palabas. Tuloy pa rin ang magic show. Mula sa kurtina ay sinilip ni Hedrako kung ano ang nangyayari sa gawi ng entablado. Nakita niya ang anim na Hedrako na patuloy pa rin sa pagtatanghal. Naging parang circus ng mahika ang palabas. Ang isa ay naghahagis ng bolang apoy sa ere at pagsalo ay nagiging granada. Ang ikalawang kamukha niya ay parang sirkero na namimisekleta sa iisang gulong at sumampa pa sa balikat niya ang ikatlo, at ang ikaapat na Hedrako. Walang tigil sa kakapedal gayong wala na pala sa entablado at pumepedal na sa ere. Para itong isang papel na nakalutang sa ere. Ang ikalima ay panay hugot ng panyo sa bulsa at paghagis sa itaas ay nagiging itim na ibon ang panyo. Halos magdilim ang paligid sa dami ng itim na ibon. Sinamantala ng ikaanim ang pagdidilim ng paligid at nagpakawala ng tila kidlat ng mga liwanag. Tila boltahe ng kuryente ang liwanag na iyon at tiyak na magiging abo ang lahat nang masapol. Isang liwanag ang tumama sa isang nanonood, at nagkikisay ito, saglit pa ay naabo. Nag-panic ang mga tao sa loob. Nag-unahang lumabas paratakasan ang mala-impiyernong show na kontrolado ng mga kampon ng mahikang itim.

Natulala si Hedrako sa isang tabi habang nagaganap ang kaguluhan kung saan ang mga tao ay parang mga langgam na kanya-kanyang pulasan. Kasunod niyon ay panaghoy ng mga bata at matanda na nadaganan sa stampede. Halos tumiklop ang dalawang tuhod ni Hedrako sa panlulumo. Kahit ano pang orasyon ng mahika ang bigkasin niya, hindi na niya kaya pang pigilin ang paghahasik ng lagim ng mga kampon ng dilim.

Wakas

Tags: | 25 Comments »

25 Comments to “Mahika”

  • August 7th, 2011 at 12:51 am

    vanessa lucero Says:

    bati hindi nakaaaliw hindi nakakatakot ano bayan hindi ako natatakot sa story na yan

  • August 7th, 2011 at 7:07 pm

    gwen Says:

    nah ung gam8 neh alakim black magic dn un. kaya lang di sakim.

  • August 7th, 2011 at 8:00 pm

    Alquin Says:

    Waley ! Panget ng ending dung.

  • August 9th, 2011 at 9:00 am

    vanessa benet Says:

    ………….ah eh nabaxa kuh na yan xa ibang libro

  • August 9th, 2011 at 9:23 pm

    Duran Kate Says:

    Panget ee.. di aman nakakatakot.. amp

  • August 13th, 2011 at 11:48 pm

    Zzzz Says:

    Boring. Sucks. Waley.

  • August 14th, 2011 at 9:17 am

    gwen Says:

    ok lng kahit san u nbaza.,at least nkashare

  • August 20th, 2011 at 12:43 am

    azinated Says:

    simpleng story lng.di nkktakot.

  • August 21st, 2011 at 9:29 pm

    Stacy-anna Says:

    si hedrako nlng sna ung nmatay, dnmay p ung mga taong nnu2od..lgyn u nman ng thrill prang wla lng eh..

  • August 28th, 2011 at 6:15 am

    hasle abbas Says:

    maganda amn sya ang ganda ng kwento peo dapat mga horror story ang nka sulat hinde mga ganitong story lang wala namng nakakatakot dun ehh mga mahika lang nmn yan

  • September 5th, 2011 at 10:56 pm

    mae cuntapay Says:

    ang panget..d xa nkakatakot…wlang trill very popular na…

  • September 15th, 2011 at 5:05 am

    Maria ana Says:

    Di nmn ako natakot , waaah

  • September 15th, 2011 at 8:29 pm

    diane raquid Says:

    ang pangit hind nakakatakot tapos ang sakim ni hedrako sa magic at saka hind nya na nakokontrol ang magic niya dahil black magic ang kumokuntrol sa kanya

  • September 18th, 2011 at 5:14 am

    asari Says:

    sgfrhbkio[

  • September 20th, 2011 at 12:27 am

    rhand06 Says:

    panget ng ending sna s ending pnatay nla ung magician kc bnenta nya kalu2wa nya s demonyo….

  • September 22nd, 2011 at 12:39 am

    sai Says:

    ayos lang may lesson pa ring matututunan sa story niya,kahit di naman ganun ang takot mo.

  • September 23rd, 2011 at 3:43 am

    dolly Says:

    nkikibasa na lang kayo reklamador pa kayo hehehe!!! peace….

  • September 29th, 2011 at 1:48 am

    ana Says:

    hahah :D like it :)

  • October 13th, 2011 at 11:23 am

    Budz Says:

    Nkakatamad mg thankyou s mga writer, wla kc kganda ganda mga storya d2, puro mga basura, utak surot

  • October 29th, 2011 at 11:47 pm

    ryan jay Says:

    uy so very ganda aman magbasa ng gan2

  • November 2nd, 2011 at 10:33 am

    shan Says:

    ganda n ngaun nio lng nabasa hello p ana :x

  • November 16th, 2011 at 3:43 am

    junjun Says:

    huh..wlang kwenta anu b yan..

  • December 26th, 2011 at 11:49 pm

    youdi3 Says:

    panget nto.
    Parang zi
    Budz lang
    KUPaL hehe

  • February 1st, 2012 at 1:26 am

    maria Says:

    nakakatakot sobrang sana marami pa akong mabasa pero wala na akong tym byew bye na.

  • February 13th, 2012 at 8:48 am

    nerbiyoso Says:

    kung gus2 nyo nkktkot,humarap kayo s salamit,mga tanga..punyeta..nkkbsa n nga lng reklamo p..mga anak kayo ng puta..

Leave a Reply