Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Multong Tagapagligtas

August 11th, 2010

Para akong itinulos na kandila sa aking pinagkukublihan nang makita kong ang matandang lalaki na nasa kuwadro ang siyang naglalakad, suot ang putikang bota nito at papanhik sa ikalawang palapag!

Ang multo ba ay dapat katakutan? Ito ang nadarama noon ni Andronico na talagang nakaranas ng presensiya ng isang multo sa bahay na kanyang nililinis. Pero biglang nabago ang kanyang pananaw. Inilahad niya ang kanyang tunay na karanasan tungkol dito.

SA kawalan ng mataas na pinag-aralan, hindi ako mapasok ng trabaho sa aking mga ina-apply-an. Dahil doon ay tumulong na lamang ako sa mga gawaing-bukid ng aking tiyuhin.

Isang araw, pinuntahan ako ng aking Ninong Alberto at inalok ng trabaho. Sabi niya ay maglilinis ako ng isang malaking bahay na walang nakatira. Ipinagkatiwala ng may-ari sa aking ninong ang bahay na iyon.

Ayon sa aking ninong, sa ibang bansa naninirahan ang may-ari ng bahay at walang katiyakan kung kailan babalik sa Pilipinas.

“Pumayag ka na, Andronico,” pangungumbinsi ng aking tiyuliin. “Hindi naman pala mabigat na gawain ang iniaalok sa iyo ng ninong mo.”

“Oo nga naman, hijo. Dalawang beses mo lang namang lilinisan ang bahay sa loob ng isang linggo at babayaran kita ng dalawang libo kada buwan.”

“Sige na nga ho,” pagsang-ayon ko. “Kailan ho ako magsisimula?”

“Ngayong linggo na ring ito. Umalis na kasi iyong dating tagapaglinis ng bahay.”

DALAWANG palapag ang bahay na lilinisan ko. May kalakihan din iyon kaya tiyak na maghapon ang ilalaan kong panahon doon. Sa second floor ng bahay ay mayroong limang silid. Sa loob ng mga iyon ay walang gamit maliban sa isang kuwarto na may nakasabit pang kuwadro ng isang lumang larawan. Litrato iyon ng isang matandang lalaki kung saan nakasuot ito ng bota at may hawak na baston. Kung pagmamasdan, sa anyo at pananamit ng matandang lalaki ay may pagka-mestisong Kastila at masasabing aristokratiko ito noong unang panahon.

Maliban sa larawang iyon, wala nang gamit pang makikita sa buong kabahayan. Naisip kong marahil ay hindi na importante sa dating nakatira sa bahay na iyon ang kuwadro bagaman mukhang antigo iyon.

Maghapon kong nilinis ang bahay. Inalisan ko iyon ng mga agiw, tinanggal ang mga alikabok at nilampaso ang mga sahig. Nang iwan ko iyon ay tiniyak kong malinis lahat. Nakakahiya sa ninong ko kapag bumisita roon at makita iyong marumi pa rin.

Tatlong araw ang pinalipas ko nang muli akong bumalik doon upang maglinis. Inisip kong kaunting pagpag na lamang marahil sa alikabok ang aking gagawin dahil wala namang magdudumi roon. Subalit nagulat ako sa aking nakita. Mula sa pinto ng sala patungo sa hagdan paitaas ng ikalawang palapag ay nakita kong may mga bakas ng mapuputik na sapatos. Sinundan ko ang bakas na iyon na tumutumbok patungo sa isang silid na nasa itaas. Pinasok ko ang silid na iyon at nakita kong humangga ang bakas ng mapuputik na sapatos sa ibabang bahagi ng nakasabit na kuwadro.

Siyempre pa, galit ang umiral sa akin. Sinong tao o bisita sa bahay na iyon ang pumasok na hindi man lamang nagpahid ng sapatos bago tumuloy? Sariwa pa ang bakas kaya iniisip kong kagabi lamang may pumasok doon. Tinanong ko si Ninong Alberto tungkol sa bagay na iyon.

“Wala akong duplicate key ng pinto sa bahay, Andronico. Ibinigay ko ang susi sa iyo, hindi ba?” nagtatakang tanong ng ninong ko.

“Nasa akin naman ho ang susi at wala akong pinagbibigyan nito,“ nagtataka pa ring sabi ko.

Nanatiling mahiwaga sa akin ang pangyayaring iyon pero binale-wala ko na lamang. Muli kong ginampanan ang aking trabaho na panatilihing malinis ang bahay. Nilampaso kong mabuti ang sahig na naputikan. Pero ganoon na naman ang nakita ko sa muling pagbabalik ko sa bahay. Katulad na katulad ng naunang nasaksihan ko bakas ng maputik na pares ng sapatos na dumaan sa salas paakyat sa hagdan at humangga sa nakasabit na larawan.

“Baka may nanloloko sa iyo, Andronico?” pahayag ng tiyuhin ko nang sabihin ko sa kanya ang pangyayari.

“Sino naman ho ang maaaring manloko sa akin, Tiyong?”

“Baka iyong dating naglilinis ng bahay na iyon. Nabanggit kasi ng ninong mo na bumabalik daw iyon pero hindi na niya tinanggap dahil ibinigay na nga sa iyo ang trabaho.”

“Pero nasa akin ho ang susi. Paano siya makakapasok sa bahay?”

“Ano’ng malay mo kung may duplicate siya n’on? Matagal din yata siyang naging tagapaglinis ng bahay na iyon.”

Nang gabing iyon, binalak kong tuklasin kung sino talaga ang gumagawa ng duming iyon sa nililinis kong bahay. Malaki rin kasi ang hinala kong sinasadya iyon ng kung sino mang tao na may kagagawan niyon. Natulog ako sa bahay na iyon. Isinara kong mabuti ang pinto at mga bintana na maaaring daanan patungo sa loob. Hindi ko alam, ang gabing iyon pala ang magbibigay sa akin ng karanasang hindi pa nangyayari sa akin sa buong buhay ko.

Hatinggabi nang gisingin ako ng mga yabag ng naglalakad na tao. Humanda ako sa magaganap. Kung ito man ang taong nanloloko sa akin, makikita niya ang hinahanap niya. Gugulpihinko siya!

Pero hindi pala tao ang makakaengkuwentro ko sa gabing iyon kundi isang multo! Nangatog ang mga tuhod ko at sinagilahan ako ng matinding takot dahil naglagos sa pinto ng bahay ang lalaking pumasok doon. Para akong itinulos na kandila sa aking pinagkukublihan nang makita kong ang matandang lalaki na nasa kuwadro ang siyang naglalakad, suot ang putikang bota nito at papanhik sa ikalawang palapag!

Nang makapanhik na ang multo ng matanda, saka pa lamang ako nakagalaw. Iyong sibad ko ng takbo pagkatapos kong buksan ang pinto palabas ng bahay, ni hindi ko na nagawang lumingon man lamang. Naiwan ko pa nga ang aking tuwalya sa aking pagmamadali na ni hindi ko na rin tinangkang balikan.

“Ayaw mo nang maglinis ng bahay, Andronico?” tanong ng aking ninong nang sabihin ko sa kanyang hindi na ako babalik sa nililinisan kong bahay.

“Meron na ho kasi akong nakitang trabaho at kailangan kong pumasok doon araw-araw kaya mawawalan na ako ng panahon, Ninong,” pagdadahilan ko.

“Gano’n ba? Sige, hahanap na lang ako ng iba.”

“Bakit hindi na lang ho iyong dati ang kunin ninyo? Sa pagkakaalam ko ay bumabalik daw ho yata siya.”

“Si Mang Peping? Gusto nga sana niya pero may sakit yata ngayon at balita ko ay sinundo na ng mga anak na nasa probinsiya.”

INILIHIM ko sa aking ninong ang dahilan ng pag-ayaw ko. Baka kasi pagtawanan lang niya ako o hindi paniwalaan.

Isang Linggo mula nang maganap sa akin ang nakakatakot na karanasan ko sa bahay na nililinis ko, nakumbida ako ng isang kaibigan ko sa fiesta na gaganapin sa kanilang baryo. Doon ay nalasing ako nang husto dahil sa sistemang tagayan kung saan ay baso ang iniikot. Kung ilang case ang naubos namin ay hindi ko na alam. Ginabi ako ng uwi. Inabot pa ako ng malakas na ulan sa daan. Basang-basa ako at pinanlalamigan ng katawan sa ginaw. May dinadaanan akong tulay na yari sa kawayan pauwi sa amin. Hindi ko inakalang sa pagdaan ko roon ay bibigay na pala ang pinakasahig niyon.

Bumagsak ako sa sapa na nang mga sandaling iyon ay napakalakas ng agos. Alam kong patungo iyon sa malaking ilog. May naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa aking ulo dahilan para dumilim ang paningin ko. Nang magkamalay ako, nasa loob na ako ng isang kubo. Nakita ko ang mag-asawang nakatira doon na nakatunghay sa akin.

“A-ano’ng nangyari sa akin?” tanong ko sa kanila. “Bakit ako narito?”

“May nagdala sa iyong matanda rito kagabi. Nahulog ka raw sa tulay at tinangay ng agos kaya sinagip ka niya at dito ka nga niya dinala.”

“Matanda? Sino kaya iyon?” nag-iisip na tanong ko.

“Nakasuot siya ng bota at may dala pang baston. May tali ka nga sa ulo nang dalhin ka niya rito dahil nasugatan ka raw.”

Kinapa ko ang aking ulo. May nakatali nga roon. Inalis ko iyon at ganoon na lang ang gulat ko dahil iyon ang mismong tuwalya na naiwan ko sa nililinis kong bahay noong gabing pinagmumultuhan ako. Naantig din ang kuryosidad ko sa sinasabi nilang matanda na nagligtas sa akin na ayon sa kanila ay nakabota at may baston pa. Kinabahan ako. Parang alam ko na ang tinutukoy nila kaya patuloy akong nag-usisa.

“May maputi ho ba siyang balbas at makakapal na kilay?” tanong ko sa kanila.

“Meron nga. Sa tingin namin ay mestisong Kastila ang matandang iyon.”

Walang duda. Sa paglalarawan nila, nakikilala ko na kung sino ang aking tagapagligtas. Nang maghilom na ang sugat ko, nakipagkita akong muli sa ninong ko.

“May nakita na ho ba kayong ipapalit sa akin na maglilinis sa bahay, Ninong?” tanong ko.

“Wala pa. Bakit mo naitanong?”

“Ako na lang ho uli ang maglilinis doon.”

Hindi na nag-usisa pa si Ninong sa akin. Natuwa siya sa naging desisyon ko na bumalik sa paglilinis sa bahay na ipinagkatiwala sa kanya.

NAGBALIK nga ako sa bahay na pinagmumultuhan ng matandang nasa kuwadro. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako natatakot. Katatakutan ko ba ang aking tagapagligtas, multo man siya o hindi? Sa halip ay pinasalamatan ko ang matandang nasa larawan pagpasok ko sa silid na kinaroroonan niyon. Utang ko sa kanya ang aking buhay. Sa ngayon, wala na ang bakas na nakikita ko na dumudumi sa bahay na nililinis ko. Hindi ko na rin nararamdaman ang presensiya ng nagmumultong tagapagligtas ko. Naisip kong marahil ay napagod na rin siya bilang kaluluwang ligaw na gumagala-gala.

Wakas.

Tags: | 22 Comments »

22 Comments to “Multong Tagapagligtas”

  • October 27th, 2010 at 10:22 am

    HaillynwaY Says:

    kung meron mang totoong multo sana lahat ay mababait at nagliligtas din. nice story…

  • November 22nd, 2010 at 7:33 am

    elaine Says:

    nice..ganda..
    kung ako yun takot parin ako..

  • December 5th, 2010 at 12:45 am

    pinky Says:

    I really really like it.,.,.,
    absolutely amazing!!
    sobrang nagandahan aq sa story,.,.!!

  • December 20th, 2010 at 5:18 am

    maja^rot Says:

    ang Sweet naman!.. Atleast may utang na llob siya dun sa multo diba??

  • March 26th, 2011 at 8:41 am

    ritchie Says:

    ganda….kaya kau dpat wag kaung mtakot s multo..hehehe

  • March 29th, 2011 at 2:24 am

    kalting Says:

    sana my kaibgan din aq n gnun..haha

  • April 28th, 2011 at 10:04 am

    VIP-SNOW_BEER Says:

    w0w ang galing naman ng multo sana ako din may kaibigang multo pero gus2 ko ung dalaga at sexy at virgin….hehehee

  • April 29th, 2011 at 2:24 am

    mikkie Says:

    ghost superhero ..pwdng gawn ng ento as part of the heroes

  • May 16th, 2011 at 3:13 am

    joy Says:

    sana lhat ng multo di2 sa mundo ,, k2lad nlang ng mtandang yun !

  • June 20th, 2011 at 1:30 am

    mystery boy29 Says:

    sana ganyan lahat ng mga ligaw na kaluluwa o kaluluwang nakatira d2 sa mundong ibabaw. kso sabi nga nila ang lahat ng kabutihan ay may laging sumasalungat na kasamaan o kumukontra. pero kailanman ay hindi pweding magwagi ang kasamaan o manaig.kabutihan parn ang umiibabaw.

  • July 18th, 2011 at 4:53 pm

    JOYCE GUIWO Says:

    kung may mgpapakita skng multo sna ka2lad na lng nya….hahaha

  • July 26th, 2011 at 5:06 am

    CriticA Says:

    hnd xa nkakatakot, nkakatawa xa

  • July 27th, 2011 at 2:41 am

    july 26 2011 at 2;36 Says:

    maganda ang pagkakasulat ng kwento sana lahat ng mga multo ay mabubuti

  • August 22nd, 2011 at 12:49 pm

    Budz Says:

    Ang gnda ng kwento puta, s gmwa gling mo pre, pnahanga mko s ktarantaduhan mo hehehe

  • August 24th, 2011 at 12:13 pm

    ala magawa Says:

    nice one!

  • September 12th, 2011 at 10:58 pm

    Dutchess025 Says:

    galing aman ^^, palaglag ka ulet sa tulay.. para iligtas k nmn ng ibang multo nyehehe

  • September 19th, 2011 at 12:22 pm

    sparta Says:

    Galing nman

  • October 6th, 2011 at 1:35 am

    fullit Says:

    Nice story.

  • October 13th, 2011 at 10:29 am

    Budz Says:

    Pro ktarantanduhan mga storya d2, npka b0b0b0 ng mga writer d2, pro basura ang kwento, yko mg thank you

  • December 7th, 2011 at 2:31 pm

    keichii Says:

    gusto ko may kaibigan na multo dahil pag may manggugulpi sa akin patay sila sa kaibigan kung multo?????

  • December 17th, 2011 at 5:13 am

    robzkie Says:

    ganda nmn ng story astig nakakaaliw basahin

  • December 22nd, 2011 at 1:09 am

    youdi3 Says:

    si Budz tlga ang hilig hilig nia sa virgin na aso hehe

Leave a Reply