Anim Na Babala Sa Kwentong Multo
- Huwag mong basahin kung natatakot ka.
- Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
- Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
- Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
- Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
- Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!
Captured Image
Pangga
May 24th, 2011
Pangga ang katawagang pinili ni Benjie na itawag kay Marivic, ang kaisa-isang babae na matagal ng pinapangarap ni Benjie na mapasa-kanya…
Ang “pangga” ay salitang Bisaya na ang kahulugan ay “mahal”. Ito ang endearment word na ginagamit ng ilang magkasintahan bukod sa hon, love, dear, babe at iba pa. At Pangga ang katawagang pinili ni Benjie na itawag kay Marivic, ang kaisa-isang babae na matagal ng pinapangarap ni Benjie na mapasa-kanya.
Ngunit sa kasamaang palad, sa tinagal-tagal ng panliligaw ng binata kay Marivic ay bigo pa rin itong mapasagot ang kanyang “Pangga”.
Simpleng babae lang si Marivic. Ngunit taglay nito ang kasimplehang natipuhan agad ni Benjie sa una pa lang pagdadaop ng kanilang mga mata.
Continue reading..
Beaver
May 14th, 2011
Maliit pa lang si Manet ay mahilig na ito sa mga hayop kaya hindi nakapagtatakang nang sumapit ito sa kanyang ika-labindalawang kaarawan ay isang aso ang hiniling nitong regalo sa ama. Pinangalanan ni Manet ang aso na Beaver…
Maliit pa lang si Manet ay mahilig na ito sa mga hayop kaya hindi nakapagtatakang nang sumapit ito sa kanyang ika-labindalawang kaarawan ay isang aso ang hiniling nitong regalo sa ama.
Pinangalanan ni Manet ang aso na Beaver na isang cute na imported dog. Simula noon ay higit pa sa pet ang naging turing ni Manet kay Beaver.
Continue reading..
Kandila
April 21st, 2011
Ang okasyon ng pagdarasal ng mga ito ay ang araw ng kamatayan ng ina ni Marita, suminding kusa iyong kandila…
Likas na relihiyoso ang pamilya Fuentes. Sina Marita at Narding ay hindi nakalilimot na paalalahanan ang tatlong mga anak na magdasal sa lahat ng sandali.
“Ang dasal ang pinakamalakas na sandata laban sa kasamaan at sa panganib.”
Iyon ang madalas na sabihin ng mag-asawa sa mga anak na sina Jane, Laila at Milet. Kaya naman nakalakihan ng mga ito ang palagiang pagdarasal. Pagsapit ng orasyon o ika-anim ng gabi ay sabay- sabay silang nagdarasal sa harap ng kanilang altar.
Sa tuwing araw ng Linggo ay nagsisimba rin ang buong pamilya. Idagdag pa ang ilang mga okasyon na mayroong misa sa simbahan. Iyon ang paraan ng mag-asawa upang lumaki ang tatlong anak na may takot at pananalig sa Diyos.
Continue reading..
Abandoned Lot
April 9th, 2011
Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hindi mabili-bili ang lote sa may Marilao Bulacan, ang mga tumitingin sa lote nakapagtatakang bigla silang umuurong sabilihan…
Taon na ang binilang na nakatiwangwang at hindi mabili-bili ang lote sa isang sona ng subdivision na iyon sa may Marilao Bulacan. Marami na ang prospective buyers na nagkagusto at nagtanong tungkol sa loteng iyon.
Mga taong interesadong bilhin ang lote ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi nagkakatuluyan ang bentahan.
Sa bahaging iyon, tanging ang loteng iyon na lang ang nakatiwangwang at hindi okupado ng bahay. Ang mga katabing lote ay matagal na ring napagtayuan at natirhan ng mga nakabili nito.
Nakapagtataka nga marahil kung bakit sa dami na ng naging interesadong buyer sa lote ay bakante pa rin ito hanggang sa kasalukuyan.
Continue reading..
Call Center
April 2nd, 2011
MAHIRAP ang trabaho ng isang call center agent. Halos laging gabi ang oras ng trabaho lalo na yung mga naa-assign sa graveyard Shift…
Si Leonarda ay isa lamang sa napakaraming mga call center agent. Dahil bihasa sa pag-i Ingles ay naging madali para sa kanya ang makapasok sa nasabing hanapbuhay.
Ashley ang nickname niya sa pinapasukang IT outsourcing company kung saan ay isa siyang inbound technical support representative.
Nakabase ang kanilang kumpanya sa Amerika kaya halos Amerikano ang kanyang mga callers. 10pm to 6am ang pasok niya kayat halos alas siyete pa lamang ay umaalis na siya buhat sa kanilang bahay sa Sampaloc sa Tanay Rizal patungong Makati city.
Continue reading..

