Anim Na Babala Sa Kwentong Multo
- Huwag mong basahin kung natatakot ka.
- Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
- Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
- Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
- Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
- Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!
Captured Image
Movie Addict
February 19th, 2011
Napalingon ako at nakita kong nakababa ang seat ng upuan na parang may nakaupo o nakadagan dito. Maya-maya lang, may tawanan akong narinig sa palibot ko…
Noong bata pa ako, madalas magkuwento si Tatang ng napanood niyang sine sa Maynila noong kumukuha siya ng Medisina sa UP. Wala pang kuryente noon sa baryo namin kaya walang sinehan at wala pa ring TV. Sa kuwentuhan na lang nagkaka-sundo.
Kaya lumaki akong mahilig manood ng sine. Noong nasa high school pa ako, nagawa kong huwag pumasok sa eskuwela dahil showing ang magandang pe1iku1a. Maglalakwatsa ako sa bayan para manood ng sine.Trenta pesos lang ang isang palabas.
Mura dahil late ang palabas ng isang buwan sa release nito sa Maynila. Kung Ingles naman ay double program dahil nineteen-kopong-kopong pa ang karamihan. Isa pa’y luma na rin ang sinehan at halos pasara na. Dito ako laging nanonood dahil fifteen-minute walk lang ito mula sa eskuwelahan namin.
Continue reading..
Pag-uwi
January 24th, 2011
Ikalawang gabi ng kanyang burol, kagagaling lang namin ng hapong iyon sa funeraria at kasalukuyan na kaming nagpapahinga. May naririnig daw siyang naglalakad sa itaas, gayong alam na alam niyang wala namang tao doon..
One month ago, pagkatapos ng matagal-tagal ding paghihirap sa kanyang karamdaman ay tuluyan ng binawian ng buhay si tito Roz, nakababatang kapatid ng yumao naming ina.
Natatandaan ko pa, kahit hindi kami naging close na magkakapatid sa kanya ay alam naming very close sila ng nanay namin. Tuwing umuuwi siya sa aming bayan kapag merong okasyon ay hindi puwedeng hindi siya pumunta sa aming bahay.
Iyon ang kanilang ancestral home na napapunta na sa aming ina na siya na ring nagpa-remodel niyon.
Continue reading..
Theodora
December 26th, 2010
Maririnig niya pero wala siyang nakikita. At muli, narinig niya ang minsang sinabi nito. “Hinding-hindi kita titigilan”, maitim ang mga mata parang pagod na pagod…
Mula sa pagkakasilip sa nakaawang na bintana, nakita ni Renato ang mga tuyong dahon sa kanilang bakuran. Sobrang dami na ng mga iyon at halos matabunan na ang buong bakuran.
Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung kukunin ang kalaykay at tuluyan ng iipunin ang mga iyon para masilaban. Maganda kasi ang laban ng basketball sa t.v. Parehong paborito
Niya ang dalawang team na naglalaban noon para niyang narinig ang high-pitched na boses ni Theodora.
“Ano pa’ng hinihintay mo Renato? Bakit, uunahin mo pa ba ang buwisit na basketball na iyan? Magtatag-ulan na naman…alam mo naman na kapag nabasa ang mga dahon tiyak didikit ang mga ‘yun sa lupa, mahirap ng alisin! At saka ‘yung butas sa bubong sa kusina hanggang ngayon ‘di mo pa rin naaayos! At ‘yung…. blah blah blah…”
Continue reading..
Mukha ni kamatayan
November 28th, 2010
Litaw ang ngipin niya sa pagkakangiti at walang laman ang mata kundi dalawang butas na itim. Kulay-violet ang kanyang mukha kahit maliwanag ang mga ilaw. Kung may talukbong siya at kalawit, parang nakita ko ang mukha ni Kamatayan!
Sa kasaysayan ng mundo, maraming katibayan na ang naglabasan na ang mga tao ay paminsan-minsang nakakakita ng mga darating na mangyayari. May mga taong tinataguriang psychic na sinasabing natatanaw ang future. Kadalasan, ang mga
darating na pangyayari ay nakikita sa mga panaginip o kapag ang sariling
nilalang ay wala sa kanyang kamalayan.
Subalit meron din namang pangyayaring nakikita kahit ang tao ay gising na gising. Tunghayan natin itong kakaibang karanasan ni Nick Hilis, isang Kapitan ng Philippine Marine contingent na nakadestino sa Basilan.
Continue reading..
Putol na Kamay
November 20th, 2010
Hinila ni Major Manliclic ang kamay subalit hindi man lang ito gumalaw, pagkakapa ni Major sa siko ng kamay, bigla siyang nahindik at kinilabutan…
“Congratulations, Major, for a job well done. You made the army proud.”
“Thank you, sir. It’s my honor to serve. “Si Major Manliclic, na siyang ginawaran ng medalya ngayong araw, ay isang matapang na sundalo.
Maraming labanan ang kanyang naranasan laban rebeldeng NPA at maraming bomba at mga bala ang muntik nang kumitil sa kanyang buhay sa kampanya-militar sa mga Abu Sayyaf at MILF sa Mindanao. Kaya naman siya ay nasabitan ng Medalya ng Kagitingan at Medalya ng Katapangan ng Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Sa mga talumpati niya sa mga pagtitipon at pasiyana na siya ang panauhing pandangal, ipinagtatapat niya na tulad ng ibang mga sundalo sa larangan, siya ay nakakausal din ng dagliang dasal sa harap ng matinding labanan. Sa mga oras ng kagipitan, sinasagihan din siya ng takot.
Pero iba ang takot na kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya kasi nakikita ang kaaway at wala na siya sa digmaan laban sa nga rebelde.
Continue reading..

