Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

Next Week Haunted Story - Sa Likod Ng Pader


latest Haunted story - Psychic Game


Preview ng Sa Likod Ng Pader

Ano ang lumikha ng ingay sa LIKOD NG PADER?...

Captured Image

Kunsensiya

May 3rd, 2010

SI Aling Freda ay isang biyuda. May dalawa siyang anak na babae. Si Liza ay labimpitong taong gulang at ang limang taong gulang na si Sara. Pumasok silang mag-iina bilang tagapagluto at kasambahay ng biyudong negosyanteng si Felipe.

Isang araw ay iniwan ni Aling Freda ang mga anak para umuwi ng probinsiya.Unang taong anibersaryo kasi ng kamatayan ng asawa at ibig niyang dalawin ang puntod nito. Gusto man niyang isama ang mga anak ay hindi maaari dahil walang maiiwang magtatrabaho sa bahay.

Pero nang gabing iyon na umalis siya ay nilooban ng mga hindi kilalang tao ang bahay ni Felipe. Maliban sa cash na kinuha, tinangay din ng mga ito si Liza.

Walang saksi sa naganap maliban kay Sara. Ayon sa bata, nasa sala pa sila ng Ate Liza niya nang lumabas ng kuwarto si Felipe. Naglalakad daw ito na parang zombie at dumiretso sa main door ng bahay. Binuksan daw nito iyon. Nagulat na lang daw ang dalawa nang pumasok ang mga lalaking may takip ang mukha. Nakadamit lahat ang mga ito ng kulay puti. Sapilitang tinangay ng mga lalaki ang ate niya. Tinakpan daw ni Felipe ang kanyang bibig upang matigil siya sa kahihingi ng tulong. Matapos ang lahat, parang wala raw nangyaring bumalik uli ng kuwarto na parang zombie si Felipe.

Continue reading..

Tags: | 35 Comments »

NGIYAWRRR

April 26th, 2010

NAKAKAKILABOT ang itsura ng babae. Panay kalmot ng matutulis na kuko ang buong katawan. Puno ng sugat ang mga balat na kinagat nang matutulis na ngipin. At halatang sa pakikipaglaban para maprotektahan ang mukha mula sa mga umatakeng pusang gala ay halos maukit ang mga balat mula sa dalawang braso. Gayunman, sa huli ay hindi rin nito naipagtanggol ang sarili. Hindi halos makilala ang itsura ng babae.

“Maryosep! Ano’ng kababalaghan ito!” anang isang magbabasura na unang nakakita sa pangyayari.

“Ang hirap paniwalaan na mga pusa ang gumawa!” ang sambit ng isang nanay na tinakpan pa ng kamay ang mata ng kargang anak

“Buntis pa naman !” ang bulalas ng isa pa.

“Kawawa!” Iyon ang nasambit ng lahat na nakasaksi sa biktima ng krimen.

“H-hindi kaya inatake ito ng… ng mga aswang?” ang hintakot na pakli ng isang babaing mahihihuhang nagdadalantao rin.

Continue reading..

Tags: | 36 Comments »

MRM

April 21st, 2010

Metaphysical Radionics Machine (MRM)

NAPAKISLOT si Josie nang makarinig ng mga kaluskos sa labas ng dingding ng kanyang kuwarto. May tila matutulis na mga bagay na kumakayod sa tablang dingding noon. Naghalo ang kaba, tensiyon at galit niya.

“Pepoy, ikaw ba ‘yan?” tanong niya.

Nang walang marinig na sagot ay dali-dali niyang binuksan ang bintanang capiz at dumungaw. Pilit niyang inaninag ang bunsong kapatid sa ilalim. Nasa gilid kasi ng hagdanan ang bintana ng kanyang silid.

Bigla siyang napaatras nang mula sa ilalim ay lumipad paitaas ang tila isang malaking ibon.

Napahiyaw siya nang may dumantay na kamay sa kanyang balikat.

“Ate Josie, ako ito!” ani Pepoy.

Pabalyang isinara ng dalaga ang bintana at binatukan ang nagulat na kapatid.

“Kanina ka pa ba dumating? Paano mo nabuksan ang main door’? At ano ‘yung lumipad na muntik na akong dagitin? Tinakot mo ako, ah.”

“Kararating ko lang, ate. May duplicate key ako at siguro’y ang manok kong pansabong iyon.”

Continue reading..

Tags: | 20 Comments »

Pamana

April 5th, 2010

NAALIMPUNGATAN si Eula. Kumakabog ang kanyang dibdib. Kaysama ng kanyang panaginip. Kabilugan daw ng buwan. Isang manananggal ang gumagala at paikut-ikot na lumilipad sa paligid ng kanilang villa. Nakita ng manananggal ang maliit na siwang ng bukas na bintana sa kanyang silid. Pinilit nitong buksan iyon. Nang makapasok ay agad siyang inatake. Hindi siya nakapalag. Kinagat siya nito sa leeg at sinipsip ang kanyang dugo. Nagwala siya pero wala siyang nagawa. Pakiramdam ni Eula ay nasa leeg pa niya ang matutulis na pangil ng manananggal. Dinama niya ang leeg. Walang sugat Panaginip lang talaga ang lahat. Pero nang mapansin niya ang sinag ng liwanag ng bilogna buwan na sumilip mula sa salaming bintana ng silid ay muling dinaklot ng kaba ang dibdib niya. Lalo pa at nakita niyang bukas ang bintana ng silid na ang tanda niya ay isinara ni Yaya Tuding bago siya matulog.

Ang panaginip tungkol sa manananggal ay madalas dumalaw kay Eula lalo at kabilugan ng buwan. Kapag tinatangka naman niya itong sabihin sa ina ay iniiba lagi nito ang paksa. Hindi raw totoo ang manananggal. Iyon din ang sabi ng kanyang yaya. Hindi totoo ang manananggal, ang aswang, ang bampira at kung anu-ano pang likha lang daw ng maruming imahinasyon.

Continue reading..

Tags: | 20 Comments »

Punyal

March 28th, 2010

Noong taong 1981, masuwerteng sa Teacher’s Camp, Baguio City idinaos ang taunang National Secondary Schools Press Conference. Maraming taga-probinsiyang mga delegado ang tuwang-tuwa dahil makakapunta sila ng libre sa Summer Capital of the Philippines. Kabilang na roon ang magkaklase at magpinsang Andrea at Brando. Sila ang contestants ng kanilang school sa English news writing at feature writing.

“P-parang haunted house pala ang mga modelo ng bahay dito sa camp, ‘insan. Pati mga puno ay katulad din sa setting ng mga horror western movies!” komento ni Brando na pumipilantik pa ang mga daliring nakaturo sa dinadaanan nilang pine trees.

Unti-unting bumabangon ang naiidlip na sanang takot sa isipan ni Andrea. Bago kasi sila umalis ng probinsiya, may narinig na siyang kuwento tungkol sa naninirahang white lady daw sa naturang camp.

“Ayyy, white lady!” sigaw ni Brando.

Continue reading..

Tags: | 21 Comments »