Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Si Sobel

February 5th, 2010

“Matagal nang patay ang nakita mo, pare… Magdadalawang-taon nang patay si Sobel”

MADALING-ARAW nang dumating si Joel sa bahay ng best friend niyang si Ronald sa probinsiya. Matagal na silang hindi nagkikita nito Simula nang mag-resign ito sa trabaho sa pabrikang pinapasukan nila. Nami-miss na niya ito at nasasabik na siyang makipag-kuwentuhan dito.

Hawak ang may-katamtamang laki ng bag ay nilakad niya ang halos tatlumpung metrong distansiya mula sa kalsada hanggang sa bahay nina Ronald. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang isang babaeng nakaupo sa hagdan ng bahay. Mahaba ang buhok nito at nakapantalong itim at blouse na puti. May bag sa kandungan nito.

Sino kaya ito? Kapatid kaya ito ni Ronald? Ano’ng ginagawa nito sa hagdan? Noong unang punta niya roon ay hindi niya nakita at nakilala ang kaisa-isang kapatid ni Ronald na babae dahil nagkataong nagbakasyon ito sa lola ng mga ito sa malayong lugar.

“Good morning, Miss!” bati niya sa babae. Nakatapat dito ang liwanag na nagmumula sa bandang ulunan nito mismo.

Hindi ito tumingin sa kanya ngunit sumagot naman. “Good morning,” wika nito sa napakahinang tinig na para bang naubos ang lahat ng enerhiya nito sa pagsasalita.

“Kapatid mo si Ronald?” aniyang ang tinutukoy ay ang kanyang matalik na kaibigan.

Umiling ang babae.

Napatingin siya sa ulo ng babae. Noon lang niya napansin na may sugat iyon. Mayamaya ay biglang sumirit ang dugo mula roon. At kasabay niyon ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. Parang tumalon ang puso niya sa takot. Paano ay naliligo na sa dugo ang buong mukha nito!

“Sino ‘yan?” Narinig niya ang pamilyar na tinig na iyon nang magpakawala siya ng nagugulat na tinig.

“A-ako, Ronald, si J-Joel,” kandautal na sagot niya. Hindi siya matatakutin. Ngunit nang mga sandaling iyon ay nakadama siya ng paninindig ng mga balahibo. At nadagdagan pa iyon nang sa muling pagtingin niya sa kinauupuan ng babae ay wala na ito. Nag-antanda siya. Pakiramdam niya ay nawalan ng kulay ang mukha niya nang pagbuksan siya ng pinto ng kanyang kaibigan.

“Joel, pare, napakaaga mo,” nasorpresang wika ni Ronald. Kinamayan siya nito. “Welcome, pare!” nagagalak na wika nito, pagkatapos ay natigilan. “Napaano ka, pare? Bakit ang lamig ng kamay mo?”

Parang natatakot pa siyang tumapak sa baitang na kinauupuan ng babae kanina nang pumanhik siya sa hagdan. “K-kanina, may babae rito… inabutan ko,” nagkakandautal na sabi niya. Hindi pa rin nawala ang takot na idinulot sa kanya ng babaeng iyon. “May sugat sa ulo… duguan ang mukha.”

Nakita niyang namutla si Ronald. Hinila siya nito papasok sa sala.

“Sino iyon, pare? Bakit biglang nawala? May aswang ba rito sa inyo?”

“Paki-describe mo ang hitsura,” wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Inilarawan naman niya ang hitsura ng babaeng nakita niya.

Napaantanda si Ronald.

“Bakit, pare? Sino ba iyon?”

“Girlfriend ko. P-patay na siya, pare.”

Nayakap niya ang sarili. Para kasing biglang lumamig ang paligid. Sumigid iyon sa kalamnan niya.

“Kaya ako nag-resign noon ay para sana magpakasal na kami. Pero hindi iyon sinang-ayunan ng mga magulang niya na may napipisil na iba para sa kanya. Isang mayamang biyudo. Kaya nagkasundo kami na magtanan….” pumiyok pa ang tinig na sabi nito.

“Ano’ng nangyari?” pigil ang hiningang tanong niya.

“Hindi siya dumating sa tagpuan namin. Buong gabi akong naghintay. Umuwi na lang ako. Inisip ko na baka nagbago ang isip niya. Pero pagdating ko rito sa bahay…” Ikinuyom nito ang mga kamay. “Nandiyan siya sa hagdanan, nakaupo kandong ang bag niya… Pero katulad no’ng nakita mo ang nakita ko sa kanya. Bigla siyang nawala… at pagkatapos niyon ay nabalitaan ko na patay na pala siya. Tumalon siya sa bintana ng bahay nila para tumakas at pumunta sa tagpuan namin. Tumama ang ulo niya sa isang bato.” Humagulhol na ito ng iyak. “Matagal nang patay ang nakita mo, pare… Magdadalawang taon nang patay si Sobel.”

Paulit-ulit na napaantanda siya. “K-kaya hindi ka na bumalik sa trabaho ay dahil sa nangyari, pare? H-hindi ka pa nakaka-recover?”

Nang biglang bumukas ang pinto ay sabay silang napatingin doon. Nakita nila ang katawan ni Sobel. Pati na ang pagnguyngoy nito ay naririnig nila. Napatalon at napayakap siya kay Ronald. Alam niyang maging ito ay na takot din.

Isinara ni Ronald ang pinto at ini-lock. Pagkatapos ay nagkatinginan silang magkaibigan. Walang isa man sa kanila ang gustong magsalita dahil pareho silang nanginginig sa takot…

Tags: | 21 Comments »

21 Comments to “Si Sobel”

  • March 10th, 2010 at 3:43 am

    xylene Says:

    katawa to..

  • April 13th, 2010 at 6:42 pm

    bhelai Says:

    mmm… my only comment is.. We need to have faith… Minsan naglalaro lang sila sa isipan natin..

  • August 8th, 2010 at 1:41 am

    cristine dee Says:

    kalokohan ba to? Haha!

  • September 7th, 2010 at 3:35 am

    miss A Says:

    pero infairness nkktakot din sya… kaw b nman multuhin ng gf mu kc kaw my kasalan bkit sya nmatay minsan kc wag mg pa bigla bigla ng desisyon tau rin mag sisisi bandang huli…. nkakatuwa n nkakatakot ng konti…. un lang thnk’s/…..

  • November 24th, 2010 at 9:26 pm

    shane Says:

    Napatalon at napayakap siya kay Ronald. Alam niyang maging ito ay na takot din.

    kaloka ang eksena na to.

  • November 26th, 2010 at 6:13 am

    kate Says:

    Prayer is the best and God will help you..:(

  • January 13th, 2011 at 4:40 am

    jj Says:

    HAHAHAHA!

  • February 16th, 2011 at 5:03 am

    nathan Says:

    hahaha…natural tlga magalit ang kaluluwa ng babae kc Joel at Ronald ang nagkatuluyan….LOL!

  • March 27th, 2011 at 5:03 am

    love_me Says:

    magkahalong emotions\

  • April 28th, 2011 at 6:24 am

    VIP-SNOW_BEER Says:

    hahahahha nag ka2luyan pala…. baka nag selos ung babae….

  • June 10th, 2011 at 12:50 am

    shadow Says:

    …..hndi nman kasalanan nang lalaki ang nangyari…prayers is da only solution pra mka alis sa ganyang sitwasyun….

  • June 14th, 2011 at 3:13 am

    menay Says:

    nice but masyadong bitin…

  • July 18th, 2011 at 2:25 am

    rrrrrrrrrrr Says:

    hahaha anu ba un talagang cla ang nagyakapan.

    naka2takot cya pero bglang naging comedy nung bandang huli.

  • August 13th, 2011 at 2:50 pm

    Budz Says:

    Grbe c che mg comment lgng pasted ang cnsbi nya, cguro ang gling sumubo nyan, hehehe subo m nga un sken pra mpa ahhh ohhh aq

  • August 30th, 2011 at 2:42 am

    mhean Says:

    ahaha grabe nakakatakot nmn un:))

  • September 5th, 2011 at 1:00 pm

    Budz Says:

    Kupal ang kwento, akalain mo my bmigay dun s mgkaibgan, bakla pla 1 s knila, wlng kwenta kwento d2, nang gagago lng gmawa, pampatanga, nkakatae s asar kwento d2

  • September 5th, 2011 at 1:17 pm

    Budz Says:

    Kantutan nlng kc gwin nun gmgwa ng kwento, bka ms mgling pa xa s gnun, hehehe, maninigas pa titi q

  • September 29th, 2011 at 2:15 am

    ana Says:

    ayy .. ung ending i don’t like it :’(

  • October 16th, 2011 at 7:22 am

    Erwan Says:

    Creepy in a way yet soooo funny in the end.

  • December 7th, 2011 at 10:17 pm

    tata paller Says:

    bitin ang istorya..

  • December 24th, 2011 at 9:17 am

    youdi3 Says:

    BoBo mu Budz . Tirahin q tumvong mu haha Yuks wag nalang hehe

Leave a Reply