Anim Na Babala Sa Kwentong Multo

  • Huwag mong basahin kung natatakot ka.
  • Huwag mong kalimotan mag Dasal bago Babasa.
  • Huwag mong basahin kung mahina ang puso mo.
  • Huwag mong basahin kung malikot ang iyong imahinasyon.
  • Huwag mong basahin kung wala kang kasama sa bahay!
  • Huwag mong kalimutan mag pasalamat sa mga Kwentong nabasa mo!

latest Haunted story - Karma


Tawag

March 6th, 2010

Kung magiging observant lang si Michelle, marahil ay makikita niya ang labis na sakit na umaalipin noon sa bestfriend niyang si Jerry. Ang dahilan ay ang pinasabog ni Michelle na ayon dito’y good news.

Ngunit ang good news nagmistulang balaraw na tumarak sa dibdib ni Jerry. Katotohanan iyong pinakalilihim-lihim ng binata.

Sina Michelle at Jerry ay best of friends since grade school. Sa iisang school sila nag-aral Simula prep at maging sa kolehiyo ay sadyang sumunod si Jerry sa university na pinili ni Michelle.

May lihim na pagmamahal si Jerry sa kaibigang matalik. Sa kasamaang-palad, hindi mutual ang damdamin nila. Sa katunayan ay ibinalita ni Michelle sa kaibigan na sinagot na nito ang two year old suitor na si Maui. Mag-boyfriend na ang dalawa.

“I’m happy for you, bestfriend.”

“Thanks, Bro. Alam ko naman ‘yon. But it doesn’t mean na magbabago na ang lahat sa atin. Tayo pa rin ang best of friends, right?”

“Of course. Oo naman siyempre. Wala na akong makikitang bestfriend na tulad mo.”

“Wow naman! Touched naman ako d’yan. Love you.”

Naglalambing na niyakap-yakap pa ni Michelle ang kaibigan. Wala itong kaalam-alam sa tunay na saloobin ni Jerry nang mga sandaling iyon.

Iyon ang Simula ng biglang pagbabago ng mood ni Jerry. Naging malulungkutin ito. Na walang magbabago sa pagkakaibigan nila ni Michelle ay hindi ganoon ang nangyari.

Magmula nang maging official boyfriend ni Michelle si Maui ay bihira nang magkasama sa mga lakaran ang magkaibigan. Kung dati ay sinusundo ni Jerry si Michelle after office, ngayo’y ang boyfriend na nito ang gumagawa niyon.

Mula sa trabaho, walang ganang umuuwi na lang ng bahay si Jerry. Manonood o makikinig ng sounds sa loob ng sariling silid. Hanggang mag-umaga ay halos hindi ito dalawin ng antok.

Sa tuwina’y naghihintay lang ng text message o tawag si Jerry mula sa kaibigan. Iniwasan na nito ang maunang gumawa niyon. Nangangamba kasi siyang baka masamain iyon ng boyfriend ni Michelle.

Isang hapon ay kusang tinext ni Jerry si Michelle. Agad nag-reply ang dalaga.

Sunduin u me mya after oils tok us

Saglit nagdalawang-isip si Jerry kung papayag sa gusto ni Michelle. Sahuli’y nanaig din ang pananabik nito na makita ang kaibigan na lihim na iniibig.

Mula sa office ni Michelle ay sa paboritong pizza house sila humantong.

“Are you sure hindi magagalit si Maui?”

“Nagpaalam ako sa kanya. Sinabi kong kailangan nating magkita dahil may importante tayong pag-uusapan. Tell me nga… bakit hindi ko alam na may plano ka palang?”

Nagkibit-balikat pa si Jerry.

“Biglaan lang. Maganda ang offer kaya grab ko na. Sayang.” Pilit hinuli ni Michelle ang tingin ng kaibigan.

“Iyon ba talaga ang totoong dahilan?”

“Oo naman. Ano pa kaya?”

Pagkuwa’y umingos dito si Michelle.

“Kainis ka d’yan! Iiwan mo na pala ‘ko.”

Biglang nangilid ang luha ni Michelle at kitang-kita iyon ni Jerry.

“O, bakit ka umiiyak d’yan? Mamaya mo makita tayo ng boyfriend mo.. .isipin no’n kung ano’ng ginawako.”

“Kelan ba’ng alis mo?”

“Wala pa pero…soon.”

“Kainis ka talaga! Huwag na huwag kang aalis na hindi nagpapaalam sa ‘kin d’yan.”

“Oo naman siyempre.”

“At ihahatid ka namin sa…”

“Nope. Walang maghahatid sa ‘kin kahit sino. Ayoko.”

Naghiwalay sila na may pangakong hindi aalis si Jerry nang hindi nagpapaalam ng maayos sa kaibigan.

Nang mga sumunod na araw ay naging busy na si Jerry sa pag-aayos ng mga papeles. At sadya nitong hindi sinasagot ang mga text messages ni Michelle. Hanggang maaari ay gusto ni Jerry na manahimik hanggang sa araw ng kaniyang paglipad patungong ibang bansa.

Hanggang isang gabi. May pagka-desperada at galit na ang text message ni Michelle na nabasa ni Jerry.

Bkt u gnyan? Ndi u nb me tinu2ring n bstfrnd?

Dahil nagmamahal ay naantig naman ang loob ng pusong nagmamahal ni Jerry. Napilitan itong mag-reply sa kaibigan.

Wg u mglit, frnd. Ngpromis me n mgpaalam sau once paalis n me, db?

Marami pang sumunod na text messages si Michelle. Patunay na masama ang loob nito sa biglang panlalamig ng kaibigan. Ngunit hindi na iyon sinagot pa ni Jerry.

Hustong isang buwan magmula nang magsabi si Jerry kay Michelle na mag-aabroad, may natanggap natawag si Michelle sa kanyang cellphone. Nasa opisina noon ang dalaga.

“Hello? Hello…? Jerry.. .hello?”

Choppy kasi ang linya. At maugong masyado.

“Hello, Jerry? Nasaan ka ba? Ang ingay naman hindi kita marinig, e.”

“Ngaun na ang alis ko, friend. Goodbye.”

“What? Hello? Hello.. Jerry.. .hello?”

Ngunit putol na ang linya nito. Nag-busy tone na ang kanyang cellphone. Hindi nag-atubili si Michelle natawagan si Jerry. Ngunit nabigo ito. Naka-off na ang cellphone. Can not be reached na ito.

“Walanghiyang ‘yon! Ngayon na ang alis tapos.. .hindi ko na siya babatiin kahit kailan promise!”

Totoong nagalit si Michelle sa kaibigan. Dahil hindi ganoon ang inaasahan nitong paalamang mangyayari sa kanila.

Naging mainit na ang ulo ni Michelle sa buong maghapon. Para mabigla sa ibinalita ng ina pagdating niya sa kanilang bahay.

“Nagbibiro ba kayo?”

“Ang ibig mong sabihin hindi mo pa alam?”

“Mommy, hindi maganda ang mood ko kaya huwag ninyo akong biruin ng…”

“Bakit kita bibiruin? Patay na ang kaibigan mo.. .patay na si Jerry kaninang umaga. Ang Kuya mo nando’n na ngayon at makikiramay. Hindi nga rin makapaniwala.”

Saglit na hindi nakakilos si Michelle sa kintatayuan.

“Kausap ko lang kanina sa cellphone si Jerry, Mommy.

“Kanina?”

“Baka nagkakamali ka. Kanina siya namatay. Naaksidente daw. Hindi malinaw sa akin ang detalye. Magbihis ka na at kung gusto mo’y sasamahan kitang pumunta roon.”

Bukod kina Michelle at Jerry, close ding totoo ang kanilang mga pamilya. Kaya nabigla ang lahat sa nangyari kay Jerry.

Kung hindi pa nakita mismo ng dalawang mga mata ni Michelle ang katawan ni Jerry sa loob ng kabaong ay hindi pa ito maniniwala.

Patay na nga si Jerry. Ayon sa balita, papunta ito sa embassy nang masagasaan ng isang bus. Dead on the spot si Jerry.

Hindi mapaniwalaan ni Michelle ang naganap. Hindi rin niya maunawaan kung paano pa nakatawag sa kanya si Jerry. Bagay na hindi niya maigiit sabihin kanino man.

Sa tabi ng kabaong ni Jerry ay hindi nagpaawat ang mga luha ni Michelle. Halos managhoy ang dalaga sa nangyari sa bestfriend.

Hindi pa sana uuwi si Michelle kundi pinilit ng ina ni Jerry na magpahinga na muna. Dahil baka kung mapaano ito sa walang tigil na pag-iyak.

Nang nasa sariling silid na si Michelle, saka niya naisip natingnan ang cellphone. Nginig ang mga kamay nitong pinindot ang menu upang tingnan ang received calls.

Sa buong pagtataka ni Michelle, hindi naka-register ang cellphone number ni Jerry sa received call.

Paano nangyari iyon? Talaga namang tinawagan niya ako kanina, a? Number niya ang ginamit niya pero… bakit hindi naka-register dito?Hindi ko ino-off ang cell ko kaya hindi puwedeng mabura ang mga…paano nangyari iyon?

Tiningnan niya ang dialed number. Naka-register ang pangalan ni Jerry. Ibig sabihin ay totoong tinawagan niya ito kanina. Ngunit hindi niya makontak.

Mixed emotions ang naramdaman ni Michelle. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Ngunit hindi niya mapasinungalingan ang tawag na natanggap mula kay Jerry.

Lalong napaiyak si Michelle nang maalala ang huling usapan nila ni Jerry. Nangako itong magpapaalam bago umalis.

Pangakong tinupad naman ni Jerry. Lamang, kung buhay pa ito o patay na nang sandaling gawin ang pangakong pagpapaalam ay walang makapagpapatunay.

Ang Wakas!

Tags: | 41 Comments »

41 Comments to “Tawag”

  • March 10th, 2010 at 2:32 am

    xylene Says:

    how sad nman..ni hindi nkapagtapat ng nararamdaman si jerry..well atleast ngayon binabantayan nya si michelle.^^

  • March 10th, 2010 at 5:15 am

    brynelle Says:

    mas nakakaiyak sya kesa nakakatakot…*uwaaaaaaaaaah* :’(

  • April 23rd, 2010 at 4:43 am

    quirzten Says:

    uo ms nkkiyk kesa nkktkot.. pero ang sweet ni jerry hah…

  • May 24th, 2010 at 4:36 am

    MEETtayo Says:

    it hapen 2 me.. T_T

  • June 5th, 2010 at 5:18 am

    casz Says:

    hmmmmmmmmm……. nakakatakot nman…pero nakakatouched.

  • August 7th, 2010 at 10:06 pm

    cristine dee Says:

    nkakalungkot nman ‘to, kaiyak .. T.T

  • September 7th, 2010 at 3:43 am

    miss A Says:

    d sya dapat nandto sa horror kc tragic love story yan……. pero mganda sya at nkka touch sobra…..

  • October 4th, 2010 at 7:00 am

    MT Says:

    Matatakutin ba kayo sa multo ito ang magandang pagnontra sa mga multo sabihin lamang ninyo ito kung nararamdaman ninyo na parang may ispirito sa paligid at tatahimik na sila at di na
    mananakot.Sabihin ng talong beses

    EGOSUM+IMPACTUM

  • October 4th, 2010 at 7:02 am

    MT Says:

    maari din po na dumalaw kayo sa aking blog site dito po ay pinaguusapan ang tungkol sa mga orasyon,agimat at laihim na karunungan ito po ang site

    karunungan3.blogspot.com

    BE FIRST!!!

  • October 4th, 2010 at 7:04 am

    MT Says:

    marami pong salamat sa mga kuwento maganda po sana ay mag share papo kayo thanks and god bless

  • October 29th, 2010 at 12:16 pm

    maja^rot Says:

    nakakainlove sya!! pero feeling ko may lihim din na love yun si MIchelle kay Jerry!! di niya lang masabi.. kasi di naman sya mag rereact ng ganun kung di nya rin lab si boy..

  • November 17th, 2010 at 11:09 pm

    kk Says:

    ganda,.,,.,sweet!but sad.,,

  • November 19th, 2010 at 3:11 am

    shasha Says:

    kakalungkot naman….advice lng sa mag torpe dyan, mgtapat na kau sa taong mahal ninyo kc baka dumating ang time n di nyo n yon magawa, katulad ng nangyari sa kwentong ito…thnks for sharing this story..

  • November 26th, 2010 at 5:32 am

    kate Says:

    very Touching stOry….
    sweet yet it was sad…:(

  • January 3rd, 2011 at 2:07 pm

    shengay Says:

    tama kaung lahat…two thumbs up for this story…^^

  • January 20th, 2011 at 6:54 am

    claire amoto Says:

    nkkaiyak xca,,xna mn lng ay,,nxbi ni jerry ky michelle ang totoong saloobin nya,,,xyang
    at least ngaun ,,araw-araw ay bnbntayan ng jerry ang love ones niya

  • January 28th, 2011 at 1:47 am

    John Says:

    haizt, nakakainis… Ba’t d ngng cla… Sayang naman… :(

  • February 2nd, 2011 at 2:26 am

    eldii Says:

    haiZz ..
    di man lang nya nasabi ung nararamdaman nya ! :(

    how sad ?

  • February 2nd, 2011 at 10:36 pm

    blackheart Says:

    may mk2tulong b skin, 5yrs old plng ako ng mgkron ako ng kakaibng kaibign, ng akoy mgkaedad ay hindi ko n cy nkita pero simula non ay nkkpgkita ako ng mga nillang n kakaiba pkiramdm ko ay 2mira cy s ktwn ko ayoko ng gnitong buhy 2lungn nyo ako….

  • February 3rd, 2011 at 2:45 am

    ritchie Says:

    how nman ng ending….nk2loka!!! ndi man lng nkpgtpat c jerry s true feelings nya 4 michelle.

  • February 3rd, 2011 at 2:47 am

    ritchie Says:

    tnx 4 sharing this nice story….w8 lng,etong c MT my powers ata! hehehe

  • February 3rd, 2011 at 2:49 am

    ritchie Says:

    MT, share u nman powers u jn….hehehe! bsta wg lng kili-kili power! hehehe

  • February 17th, 2011 at 1:30 am

    $-M@c#inE Says:

    kalungkot naman… torpe kc feeling ko ang sweet na babae ni michelle..

  • May 23rd, 2011 at 2:34 am

    Jeremiah Says:

    awwww….. natouched naman ko dyan…. kahit talagah sa kabilang buhay basta mag bestfrend eh walang limutan!!!!!

  • May 28th, 2011 at 4:13 am

    denizkie Says:

    ganda ng kwento….

  • June 4th, 2011 at 10:57 pm

    shynx Says:

    so sad talaga.. dami na ako nabasang kwento about mgbestfwnd . da best 2!!!! medyo bitin nga lang ako.. kala ko magpapakita sa kanya c jerry.. nd pala.. huhuhuhuhu:
    :-(

  • June 10th, 2011 at 12:35 am

    shadow Says:

    sad naman…sana sinabi niya ang kanyang nararamdaman sa kanyang bestfriend…hind naman natin alam kung meron rin nararamdamn yung babae sa bestfriend niya….nice story pero nakakalungkot…

  • June 28th, 2011 at 10:31 am

    karen Says:

    nice.

  • July 31st, 2011 at 4:16 am

    chuck118 Says:

    haizzt.. kalungkot nman ng kwento.. sayang.. tsk..

  • August 7th, 2011 at 12:06 pm

    trenzzz Says:

    ang baduy ng mga text ni michelle.. Me and u.. Bwahahaha

  • August 13th, 2011 at 2:01 pm

    Budz Says:

    Ms baduy ka trenzzzz pra kng dumi sa titi na pilit na nag susumiksik sa gilid, kupal ka kc bwahahaha

  • August 30th, 2011 at 2:28 am

    mhean Says:

    how sad nmn hindi manlang nsabi n jerry ang 2too nitong nararamdaman para kay michiel :(

  • September 3rd, 2011 at 3:01 am

    Yssa Says:

    Kulet ng way ng pgttx hehe peo sna man lng nsbe n jerry ung nr2mdman nya!

  • September 12th, 2011 at 11:19 pm

    Dutchess025 Says:

    that’s a good friend!! nagpaalam muna kahit paakyat n siya hehe

  • September 27th, 2011 at 10:54 pm

    farkhell Says:

    kawawa naman c jerry..d man lang nya naipagtapat ang nararamdaman nya….how sad…..nakaka touch…..pero ang ganda ng istorya….sad nga lng,,,,

  • October 6th, 2011 at 1:19 am

    Erwin Florez Says:

    nice…,

  • October 11th, 2011 at 2:40 am

    jojo Says:

    nice old story

  • October 12th, 2011 at 3:28 pm

    Budz Says:

    Wlang kwenta, pmpa tanga lng, mga bugok gmgwa ng kwento,

  • November 15th, 2011 at 12:22 am

    mailedi Says:

    T_T nice story..

  • November 23rd, 2011 at 3:37 am

    grace Says:

    :( kakalungkot nmn ..

  • December 24th, 2011 at 9:48 am

    youdi3 Says:

    kwawa nmn zi Budz namatay agad :( tnt

Leave a Reply